Friday, April 15, 2005

tag-ulan?

ang lakas ng ulan. nakakatamad tuloy kumilos. dapat ay naghahanda na ako para sa pagdalo sa kasal nina Ruwi at Sheem pero tinatamad pa ako. Kase nga, ngayon lang medyo naging presko ang paligid, sa pagbuhos ng malakas na ulan. At isa pa pala, tinitignan-tignan ko yung kwarto ni inay at maya-maya lang ay may tumutulo na namang tubig-ulan dun. Nang huli kaseng pinaayos itong bahay, hindi yata nakita nung pumanhik sa kisame yung pinagmumulan ng pagpatak ng ulan sa kisame. Wala naman daw butas na sa bubong. hmmm... marahil ay ngayon magandang silipin kung saan nagmumula yung pagtulo. Isa sa mga dahilang alam ko kung bakit umaapaw na naman ang tubig mula sa bubungan ay dahil sa baradong alulod. Ilang araw bang hindi umuulan at yung puno ng narra na nasa tabing bahay ay walang sawa sa paghuhulog ng mga nalalagas na dahon at bulaklak nito, at katulong ng hangin, ang ilan sa mga ito ay napadpad sa bubungan ng bahay namin. hay naku... pag may ginhawa nga naman, may perwisyo ring dumarating.

No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails