Tuesday, February 15, 2005

sa Pilipinas kong mahal

** napalagpas ko ang balita kagabi, at kaninang umaga... may bombahan palang naganap sa magkakahiwalay na lugar sa bansa. ang biktima ng pambobomba--- mga inosenteng buhay. ganyan na lang ba talaga ang buhay sa ngayon? para na lang katumbas ng isang ipis na kailanman at mamatay ito ay hindi mo pinanghihinayangan?

** nag-issue na naman ng warden message ang Estados Unidos para sa kanyang mamamayan ukol sa ibayong pag-iingat sa paglalakbay dito sa bansa. ano na naman ang ipinapakita nitong imahe ng Pilipinas sa buong daigdig? hindi kaya ka-OA-yan naman itong advisory na ito na lagi namang ganito ang sitwasyon dito? ganun na ba tayo kagulo talaga bilang isang bansa? nagtatanong lang. kung sakaling "oo" ang sagot sa tanong ko, marahil ay dapat nang mag double time ang gobyerno para maging maayos naman ang kalagayan natin dito sa ating bansa.

** sa kabila ng mga kaguluhan na nagaganap sa paligid (na hindi naman nararamdaman ng lahat ng Pilipino), nananatili ang katotohanang masayahin ang mga Pinoy. May problema o wala, tuloy sa pagpila ang mga Pinoy sa pelikula nina Angel Locsin at Richard Gutierrez, at hindi rin naman pahuhuli ang mga fans nina Piolo Pascual at Bea Alonzo. Para sa iba, mas gugustuhin nilang sabihin na ang pinanonood nila ay mga pelikulang katulad ng A Very Long Engagement at Flight of the Phoenix. Ako, inaabangan ko yung Constantine na binibidahan ni Keanu Reeves. hmmm... kelan kaya ipapalabas dito yung Spongebob Squarepants the Movie?

** muli akong sumakay ng LRT 2 kaninang umaga mula Santolan Station hanggang Legarda. Sinamahan ko si Bongertz sa Professional Regulation Commission (PRC) para asikasuhin ang mga papel nya, at pagkatapos ay sinamahan naman niya ako na mag-apply ng trabaho sa isang dating kumpanya kong pinapasukan at sa isang kumpanya pa, na parehong nasa Galleria Corporate Center. Hintay ako sa dating kumpanya, samantalang may schedule naman ako ng exam doon sa isa. Sa Biyernes itong exam, sana may update na ako doon sa dating kumpanya bago dumating ang Biyernes. Bukas, tila gusto kong pumunta sa Civil Service Commision para din mag-apply ng trabaho. Ganito kahirap maghanap ng trabaho sa Pinas. Masyadong maraming tao, kakaunti ang trabaho na talagang sasapat sa pangangailangan mo sa araw-araw, at dagdag pa nito, maswerte ka na lang kung ang makuha mong trabaho ay may kaugnayan sa apat na taong kurso na pinag-aralan mo noong kolehiyo.

** ang bansa ay masasabi nating isang "relihiyosong" bansa. kung gano'n, bakit ganito ang estado ng ating pamumuhay? hindi kaya panahon na para ang bawat isa ay totohanang magsuri ng sarili kung ano na ang kalagayan ng kaugnayan niya sa iisang Lumikha na may bigay ng lahat ng bagay at buhay nating taglay?

basbasan nawa ng Poong Maykapal ang bansang Pilipinas!

------------

Para sa mga hindi pa kilala si Angel Locsin, nagsimula sya sa palabas na Click sa GMA 7, sumikat sa teleseryeng Mulawin, at ngayo'y pinagkakaguluhan sa pelikulang Let The Love Begin. Eto ang kanyang profile (hango sa http://www.igma.tv/celeb.php?celebid=40)
======
I. BIO
Real Name: Angelica Colmenares
Screen Name: Angel Locsin
Birthday: April 23, 1985
Birthplace: Bulacan
Motto in Life: Just be yourself.
Hobbies: dancing, reading, cooking and learning new recipes
Style: casual
Hang-out: house, mall
Likes: friendly, thoughtful, and loyal people
Dislikes: untidy and mayabang person
School: ABE (freshman)

II. Favorites
Color: Blue
Food: Lasagna, chocolate
Cologne: Baby Bench
Actress: Sharon Cuneta
Singer: Mandy Moore
Book: Harry Potter series
======



------------

panghuli, gusto ko lang sabihin kay Karen na magpagaling ka po. kanina wala ka nang boses tapos sabi mo, papasok ka pa kinabukasan. malamig pa dyan, diba? mataas pa ang snow? :(

basta mag-ingat ka po at lagi kang nasa aking panalangin...

No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails