dalawang araw na lang bago sumapit ang buwan ng Mayo. And buwang ito ay isa sa mga pinakahihintay ko tuwing magpapalit ang taon sa mga kadahilanang:
1. hudyat ito ng kalagitnaan ng taon
2. ito ang pinakamainit na panahon ng bakasyon (ng mga estudyante) sa Pilipinas
3. maraming ipinagdiriwang sa buwang ito
4. petsa ng kapanganakan ko ang buwang ito
5. anibersaryo ng bautismo ko ang buwang ito
6. marami pang bunga ang mga puno ng mangga
7. dalawang magkaibang piyesta ang ipinagdiriwang sa bayan namin sa Minalin
8. masarap manood ng santacruzan
pero hindi ko alam kung ganito pa rin ang magiging pakiramdam ko pagdating Mayo ngayong taon na ito. kase, unang Mayo ko ito dito sa Canada. maliban sa kaarawan ko at anibersaryo ng bautismo, ang alam ko lang na tiyak na mangyayari sa susunod na buwan ay ang mga sumusunod:
1. maglilipat kami ng bahay
2. tutupad ako sa bautismo sa lokal ng Toronto
kung sa bagay, habang hindi pa ayos ang papel ko, wala naman akong ibang kaaliwan dito kundi ang tumupad ng tungkulin ko. kaya nga lagi kong inaabangan ang Huwebes at Linggo.
kaugnay nga pala nito, ibinabalita sa akin ni jary na papalitan daw ang disenyo ng toga sa Pilipinas. mula sa togang puti na tinernuhan ng puting truvinized, kurbata, puting pantalon at puting sapatos, gagawin daw off-white chinese collar na tinernuhan ng puting t-shirt sa loob at itim na pantalon at sapatos. hmm... magkano naman kaya ang patahi ng bagong toga?
Wednesday, April 28, 2004
story told by
aajao
at
6:26 pm
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment