medyo nanghinayang ako kase hindi ako pinahati sa pagtuturo kahapon pero OK lang. ang mas mahalaga, nabigyan ako ng suguan sa Pasalamat. ako ang nanguna sa panata ng mga maytungkulin bago tumupad. pagkatapos ko sa Cainta, hinabol ko ang pasalamat sa lokal. naabutan ko pa ang processional. mabait talaga ang Ama. kahit kailan. minsan lang, di natin maunawaan pero kahit kailan, hindi sya nagkukulang. kadalasan, humihigit pa sa pangangailangan natin, hindi lang natin agad makita at maunawaan. may mga pagkakataon, sa tingin natin, "bakit ganun?" pero pagtagal-tagal, "ah... eto pala ang dahilan. mas mabuti pala ang nangyari." salamat po, Ama. salamat po.
~ ~ ~ ~ ~
muli akong nakabalik sa Kitchen (kahapon pa rin) kasama ang mga kaibigan mula sa PinoyExchange. Inabutan ko sa mahabang lamesa sina MarieL, Jorry, PauL, Ivy at si TheL. pagkatapos, kumain lang ako ng isang uri ng panghimagas "Green Tea Cheesecake" at uminom ng isang naka-latang softdrinks. dumating si jovee pagkaalis ni ivy. pagkatapos nito, naglakad-lakad kami sandali sa loob ng SM Megamall at bumili ng ilang bagay na kailangan. Si Paul ay bumili ng isang personal item at ako naman ay nagpasama sa kanila sa EGG para bumili ng maliliit na token para sa mga ka-opisina. Hindi ko pinalagpas na isumbong sa kahera ang isang staff ng nasabing establisyimento sa paraan ng kaniyang paninita sa akin doon sa maganda nilang display: isang malaking tic tac toe na sana'y lalaruin ko nga lamang, dagling lumapit at taas-kilay na nanita ang babaeng staff na yun. tunog-iritado, mukha naman syang piniritong itlog na basag ang pula. muntik na kong mapalabas ng EGG at sana'y sa iba na lang bibili pero ayoko nang maghanap pa ulit sa malayo. eniwey, pagsasabihan daw sya ng kahera na matutong huminahon sa paninita at maging courteous. palalampasin ko ba yun? hindi yata kase nasa larangan din ako ng customer service at alam ko kung kailan dapat ipakita ang pagkairita sa isang customer.
pagkatapos bumili, nagdesisyon kaming ipagpatuloy ang kwentuhan sa Mr. Donut habang kumakain ng Creamy Crown (tama ba ang baybay?) ang sarap... ng kape.
~ ~ ~ ~ ~
hinatid ako ng mabait na si Paul sa Congo Grille, kung saan idinaos ang hapunan ng mga ka-opisina ko na nagkaroon ng isang araw na pagpupulong ukol sa trabaho. isinabay na rito ang pa-despedida sa akin ni boss. wala akong masabi. gusto na nila talaga akong palayasin.
~ ~ ~ ~ ~
mag-a-update ako ng blog sa araw na ito. mamaya, pagkatapos ng huling tupad ko, pupunta ako sa bahay ni jerik (a.k.a. Android_007) dahil kaarawan niya. nga pala, hindi ako imbitado pero wala akong pakialam.
Sunday, July 20, 2003
story told by
aajao
at
10:49 am
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment