SANIB
Story plot: karaniwang istorya. espiritung nagpaparamdam, alaala ng nakaraan, sinaniban.
kapansin-pansin dito ang lumang estilo ng horror film ng pelikulang Pilipino. predictable masyado ang mga reaksyon, pangyayari at kilos ng mga tauhan sa pelikula. Isa sa matinding dahilan kung bakit ko hinangad na mapanood ito ay kung paano ilalahad ng isang produksyon ang isang karaniwang kwento ng exorcism at sa napanood ko, masasabi kong nadismaya ako. marahil sa kwento, o dahil sa pagkakagawa sa kwento. malayung-malayo ito sa pagkakalahad ng The Exorcist na kinatampukan ni Linda Blair.
cinematography/effects/make-up: eto ang bahagi na masasabi kong panalo! dito mababakas ang pagsulong ng pelikulang Pilipino. May bahagi nga lamang sa pelikula na sobra-sobra na yata ang make-up ni Aubrey Miles, parang icing ng cake na tinapal sa mukha nya. makulay, ika nga.
acting: ang nagustuhan ko lang sa pag-arte ay si Raymond Bagatsing na gumanap bilang pari na nagkaroon ng anak. Ang dalawang lead stars, sina Carlo at Aubrey, pwede pang magsanay nang kaunti para sa susunod nilang lead roles.
over-all rating: paglabas namin ng sinehan, napakaraming nanood na nakangisi. mas lamang kase ang comedy kaysa horror sa pelikulang ito.
Friday, June 13, 2003
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment