Monday, March 29, 2010

mag-aral ang dapat mag-aral

nabanggit ko sa huli kong blog post na aalis na ang kasambahay namin pagkalipas lamang ng halos isang buwan. sa di maiiwasang pangyayari, kinailangan niyang umuwi sa kanila sa probinsya dahil sa tawag ng tungkulin niya bilang isang anak. isa lang ang nasabi nya sa amin bago sya umalis--- ayaw nyang mamalagi roon at gusto niyang bumalik sa amin. madalas ay ang maybahay ko ang kausap niya sa maraming bagay, gawain man sa bahay o buhay-personal, maging ang mga nais kong sabihin sa kanya ay ang mahal kong asawa ang naghahatid nito sa aming kasambahay. kahapon, sa huling pananghalian namin na kasalo siya, dun ko siya kinausap mabuti. tinanong ko kung ano ang posibilidad na bumalik siya sa amin. hindi siya makasagot. dahil ang nakatatanda niyang kapatid ang nagdidikta kung sino ang dapat maiwan dun sa kanila sa probinsya at kung sino ang dapat bumalik ng Maynila. pareho sila ng ate niya na ayaw mamalagi roon. kaya marahil wala siyang gaanong pagpipilian ng kapalaran niya sa buhay. sayang ---ito rin ang nabanggit ko sa nakaraan kong blog post. madali siyang turuan. masipag siya. marunong "lumugar" sa lahat ng pagkakataon. maganda ang tandem nila ng asawa ko pagdating sa mga gawaing bahay. sumasama sa kanya ang anak ko. ilan lang yan sa mga bagay na nakapanghihinayang sa pag-alis nya sa amin. pero may isa pang sayang.

nabanggit na sa akin ng asawa ko na valedictorian siya nang magtapos ng elementarya at hindi niya natapos ang pag-aaral sa high school, nakipagsapalaran na silang mag-ate dito sa Maynila. sa pakikipag-usap ko sa kanya kahapon, dun ko nalaman na siya ang nagpaparaya sa kanilang magkakapatid. ang ate niya na kasama niyang nagtrabaho dito sa Maynila, na siya rin kasama niyang uuwi doon ay siyang babalik dito sa Maynila at nagdesisyon na maiwan siya roon upang bantayan ang kanilang ina. meron siyang kuya, yung sumunod sa ate niya pero nahiwalay na ito sa kanila noon pang bata sila. pinalad ang kuya niya na pag-aralin ng tiyahin sa nueva ecija. siya ang pangatlo sa limang magkakapatid. tinanong ko sya kung pupwede bang ang maiwan na lang sa nanay niya ay yung sumunod sa kanya subalit iniwan din sila ng kapatid niyang mas bata sa kanya para hindi raw matulad sa kanilang mga panganay na paputol-putol ang pag-aaral. pumunta ito sa isang kamag-anak sa ibang lugar at pinalad namang mapag-aral din doon. ang huli niyang kapatid ay hindi pwedeng iwanan mag-isa sa kanilang ina. grade 1 pa lang ito. kaya marahil, wala na siyang ibang pagpipilian kundi muling magparaya sa mga kapatid at manatiling magbantay sa inang may karamdaman.

habang nananaghalian kami ay doon niya sinabi sa akin kung bakit ayaw niyang mamalagi roon--- mamamatay ang mga pangarap niya sa buhay. kung paanong "tumakas" ang mga kapatid nya sa buhay nila sa kanila, ganun din ang gusto niya sana. pero hindi para mawala habambuhay. nakipagsapalaran sya sa Maynila para matupad ang pangarap niyang matapos maski man lamang sana ang high school at makapagtrabaho sa call center, at kukunin na niya ang ina nila para itira na kasama nya sa isang bahay na mapagkakasya niya sa kikitain sa paghahanap-buhay. nakakita sya sa amin ng pag-asa...sana.

bago niya nabalitaan ang nangyari sa ina niya at bago pa man napagdesisyunan ng ate niya na umuwi sila, kinausap na siya ng asawa ko tungkol sa pagpapatuloy nya ng pag-aaral. may malapit kaseng paaralan dito sa bahay namin at binuo nilang mag-amo ang mga plano para mai-enrol namin sya sa darating na pasukan. nabuhayan siya ng pag-asa. doon niya inilahad sa asawa ko kung ano ang buhay nila sa probinsya at kung ano ang mga pangarap niya sa buhay. sayang. hindi na yata matutuloy ito dahil nga sa kinailangan niyang umuwi. piniga naming mag-asawa ang mga posibilidad na makabalik siya sa amin na hindi naman nag-aalala sa sitwasyon ng nanay nya roon sa kanila. pero hindi kase namin hawak mag-asawa ang anumang mapagdedesisyunan ng pamilya nila. ang payo na lang namin, tignan niya ang sitwasyon ng ina nila at mag-usap mabuti ang magkakapatid para makapagtulong-tulong sila na maiahon ang isa't-isa, lalo na sa pagkalinga sa kanilang ina.

sa kwentong ito ng kasambahay namin, naantig naman ang damdamin ko. narito, may magkakapatid na hndi ginustong malagay sa ganung sitwasyon at ipinaglaban ang kani-kanilang karapatang mag-aral. narito. may isang nangarap para sa ina, tiniis na lumayo sa kaniya upang makipagsapalaran, maipagpatuloy ang pag-aaral at nang makahanap ng mas mabuting trabaho na sasagip sa kanilang abang kalagayan.

mahalaga ang pag-aaral. iniaangat nito ang kalagayan ng isang tao kasabay ng pagsisikap. karapatan ito ng bawat isa. nawa, ang mga nabiyayaang mag-aral ay mag-aral na mabuti at huwag sayangin ang pagkakataon. hindi biro ang magpa-aral sa panahon ngayon. ang magbigay ng baon araw-araw. gumastos sa iba't-ibang projects at school activities. hindi rin madali ang maging working student. gagawin ang lahat makamit lamang ang edukasyon na syang magbibigay-daan sa kaniya upang matupad pa ang mga pangarap sa buhay. huwag nating ipagkait ito. kung may magagawa tayo sa maliit mang paraan natin para makapag-aral ang dapat mag-aral, gawin natin. hindi naman natin kailangang ibuhos ang buong buhay natin tulad ng bayaning si Efren Penaflorida (na lubhang dakila ang misyon sa buhay) para magawa ang bahagi natin sa mga taong nangangailangan ng edukasyon. may magagawa tayo sa maliit mang paraan para ang mga kasalukuyang nag-aaral ay magkaro'n ng inspirasyong magpatuloy hanggang magtapos. natutuwa ako dahil kahit paano ay makakabahagi sana kami ng asawa ko para tuparin ang pangarap ng isang tao para sa kaniya at sa ina niya. kung matutuloy lamang ang pag-aaral niya... sana.

sa mga taong nasa kapangyarihan, sikapin po sana na maibigay sa mga mamamayan ang karapatang ito. sa mabuting pagpaplano, malinis na paghawak ng pondo at tapat na hangaring makatulong sa bawat Pilipino, maibibigay natin ang edukasyon sa bawat taong may karapatang tumanggap nito at sa di magtatagal na panahon, ang dunong na tinaglay ay maibabalik din sa pamamagitan ng pagiging produktibong mamamayan at responsableng indibidwal.

anong latest?

eto ang latest:

> napurnada ang date namin ni wifey ngayong gabi. *sigh* parang laging nangyayari ito kapag may naka-set kaming lakad. hindi naman kase kami pwedeng lumakad basta-basta na kaming dalawa lang. dapat may mapag-iiwanan kay ayapot, yung panatag ang loob namin na iwanan sya. naka mind set pa naman kaming mag-asawa na makakapag bonding ngayong gabi. :(

> dahil sa personal na dahilan, lilisan na ang mabait at mapagkakatiwalaan naming kasama sa bahay. halos isang buwan lang sya sa amin. kung kailan gamay na namin ang isa't-isa at maganda ang tandem nila sa bahay ni wifey. magaan din ang loob sa kanya ni boneneng. masipag. marunong "dumistansya." hindi pihikan sa pagkain. napagsasabihan. madaling sumunod. may topak. hmm... ang problema lang sa kanya eh mahilig mag-text. pero tolerable naman at nakokontrol pa namin. sayang. gusto nyang bumalik sa amin pero mahirap nang umasa. sayang.

> may tatlong araw pang pasok bago mag long weekend bunga ng tinatawag na "holy week". ang mga opismeyts ko ay nagset ng lakad sa pagudpud, hindi kami makakasama. hindi pa kase kayang bumyahe ng ganun kalayo at katagal ni boneneng. safety first before pleasure. marami pa namang pagkakataon :)

> paubos na pala ang cotton buds namin. pati yung dishwashing liquid. matagal pa ang susunod na sweldo. yung sweldo ko nung nakaraan, naglahong parang bula nang magtagpo sila ng utility bills namin. at dahil dyan---

> looking forward ako sa bagong "raket" ko. sa dinami-dami ng "raket" na nabanggit ko sa blog kong ito, itong haharapin ko ang talagang gusto kong magawa, matuloy, at magtagumpay. kung ano ito, kami pa lang nina kuya edsel pogi, biep kuri, at sister-in-faith steph, ang nakakaalam. at syempre pala, si wifey din alam nya. ;)

> undecided pa rin ako sa mga plano para sa ilang okasyon na darating pa ngayong 2010. isa lang kase ang gusto ko sa ngayon: madala ang mag-ina ko sa kabilang panig ng daigdaig. dig?

> eto naman ang latest, unedited picture namin ni ayapot:
[caption id="attachment_1345" align="alignnone" width="225" caption="taken after the PNK, 28-March, 2010"][/caption]

Wednesday, March 24, 2010

our baby is 9 months old

how time flies. whew! soon (in 3 months time), our baby is turning 1 year! we still haven't figured out a celebration *party* for her 1st birthday. originally, i didn't want to party on her first birthday since i'm planning for the three of us (our baby, wifey & i) to fly somewhere to celebrate that joyous day. but people have been asking for it and thought that even a simple *party* shall do--- for our little Aya. my take on this is that whether we'll have a party or not on her first birthday, it does't in any way lessen our love and care to our little one. celebrating thru a birthday party bash sounds real good but being practical is another story. well, let's just see. things may still change in three months time. for now, we're thankful to the LORD for blessing us with a baby who's giving us lots of joy every minute, everytime.


HAPPY 9 MONTH BIRTHDAY AYAPOT! MOMMY & DADDY LOVE YOU!

Monday, March 22, 2010

Serene Sunday

This is one of the many Sundays that i truly missed. It's like riding a time machine and going back to the years when mom & dad, and my sister's family were still here at home together with me on a lazy Sunday afternoon. The gloomy skies in the midst of summer and the rain outside contribute to this feeling.

I used to love Sundays with my first family. It's like heaven's special gift from the busy weekdays when you only get to see each other early morning--- all rushing for work, and in the evening when everyone's exhausted. Siesta had been a common habit on this day and everyone should be delighted starting late afternoon when we'll be going to the mall altogether to simply have 'family day'. Then, the happiness reflected on my young niece & nephew was priceless.

"Change is the only permanent thing in this world." - true. Even if some people remain, everything changes. Be it for the better or otherwise, time passed can only be retrieved by memories.

Today and hereafter, new stories begin. Stories that will make up chapters and soon history. Let's cherish every moment that we're together with our loved ones. Tomorrow, they might not be here anymore.

Sunday, March 21, 2010

busy week ahead

march 20 - graduation party of CJ + birthday party of joce; graduation party & birthday party of Dom *groan* too much food intake; start of week-long devotional prayer for holy supper; officers meeting; happy birthday good pal, LA!

march 21 - dad coming over for the night; choir practice: 6pm, 7pm & 8pm *whew*

march 22 - monday meeting; reports update

march 23 - work partner on leave = do EVERYTHING in the office; choir general rehearsal

march 24 - designated cut-off day = finish all distributors month PO, update reports and lessen clutter on my desk. *yeah, good luck*; sunday school class

march 25 - perform choir duty, attend to pending work (that are still piled up)

march 26 - finish PENDING work; reconcile reports; prepare for next day's occasion

march 27 - scheduled holy supper; choir practice; family day

march 28 - sunday school; family day

Tuesday, March 16, 2010

Ang Lupang Hinirang At Ang Filipino Artists

sa tuwing may laban ang tinaguriang "pambansang kamao", na si Manny Pacquiao, isa sa masugid na sinusubaybayan ng sambayanang Pilipino ay ang mang-aawit na napili upang awitin ang Lupang Hinirang--- ang pambansang awit ng bansa. bagama't marami ang hindi gaanong pinapansin ang bagay na ito, isa naman ako sa mga bilang ng Pilipino na pumupuna sa hindi wastong pag-awit nito. sa ganang akin, iba ang pambansang awit sa anumang awiting komersyal. hindi ito dapat binabago lalo na't malalagay sa kahihiyan ang kumakanta nito. bigyan sanang respeto ng mga tinatawag na professional singers ang rendition nila ng pambansang awit kung sila man ay maatasang umawit nito sa isang malaking okasyon tulad ng mga laban ni manny pacquiao. sa maraming version at singers na umawit nito sa malalaking events, isa lang si Kyla sa maipagmamalaki ko dahil naging maingat ito at mas piniling igalang ang bansang Pilipinas sa pamamagitan ng wastong pag-awit ng Lupang Hinirang. mapapanood ito sa youtube video link sa ibaba, gayundin ang related videos na kakikitaan naman ng iba't-ibang bersyon ng iba't-ibang mang-aawit sa bansa.



sa panghuli, aking pagbati ng MABUHAY sa pambansang kamao, Manny Pacquiao, sa muli niyang pagbibigay karangalan sa lahing Pilipino sa nakalipas na laban nito kay Clottey!

Friday, March 12, 2010

good morning, Biyernes!

i feel good! at dapat naman dahil weekend na naman! :) katatapos ko lang mag-edit ng photo greetings para sa nalalapit na kaarawan ng dalawa sa mga malalapit kong kaibigan sa blogosperyo, si kuya gasul, at si bi-ep kuri. nawa ay kanilang maibigan ang munti kong effort sa pag-edit sa photoshop para sila ay batiin sa araw ng kanilang pagtanda. :P

medyo nagkakaroon ng 'kulay' ang trabaho ko dahil bumalik sa akin ang ilan sa load ng kasama ko. hinatak kase sya para gumawa dun sa isang bagong bukas naming kumpanya kaya looking at the brighter side, mas hilo sya kaysa akin. LOL. dapat siguro talaga ay magdagdag ng manpower sa opis para maayos na magampanan ang mga dapat na gawin. pero kaya pa naman namin. super employees kami eh. sana lang meron kaming mid-year bonus. kumbaga sa sasakyan, kailangan ding nilalangisan every six months or every 5,000 km na itinakbo nito para laging maganda ang kondisyon. you know!

kadalasan kapag nakakapag-usap kami sa YM ni biep kuri, napag-uusapan namin lagi ang gastusin at ang himala ng pagtawid namin sa buhay araw-araw. pareho kami. hindi malaki ang sinasahod namin at kadalasan kulang pa sa dami ng bayarin o gastusin pero 'ika nga ng Smart, it's "simply amazing!" nakakaraos kami at pogi pa rin ;)

kapag nakikita ko ang anak ko, nagkakaroon ako ng inspirasyon para harapin nang masaya ang bawat bukas sa buhay namin. mahirap man o hindi, hindi naman kami nauubusan. gaya ng pananampalataya ng maraming tao sa kaniyang dakilang Lumikha, isang malaking pag-asa ang hatid ng masayahin niyang ugali, parang ang mommy nya lang, ang makulit pero nakaaaliw nyang mga kilos, ang maraming 'tricks' na ipinakikita nya bawat araw at ang napakagandang mukha na hindi kailanman nakakasawang pagmasdan! dahil sa mag-ina ko, natuto akong lalong maging mapanalanginin at umasa sa banal na magagawa ng Diyos para sa amin at matiyagang maghintay ng magandang bukas na ilalaan Niya para sa mag-anak ko. hindi man si santino ang anak ko, sya naman ay anghel na sa amin ay ibinigay para huwag kaming makalimot at lalong magpaalala na ang lahat ng bagay ay sa Diyos nagmumula. ;)

Related Posts with Thumbnails