Tuesday, December 11, 2007

it's been four years

...since i set my foot in Canada. good memories remain as i stayed there for almost one whole year, completing the four seasons i formerly just used to sing: "winter, spring, summer or fall, all you have to do is call..." after experiencing the four seasons, i have established to like the fall (autumn) season among the four. autumn season falls between September to November and it is when chilly winds are at its coldest. the season also showcases the beauty of nature--- colorful tree leaves everywhere anticipating its "fall". it also welcomes the coming of snowfall as winter follows the season. It is during autumn when the temperature begins to drop to almost zero degrees centigrade while wind chill can go as low as -30 degrees centigrade. yea.. feel it in your inner spine. it extends up to winter. then your air conditioning system at home turns into heater.


my favourite season


apple-picking! :)


aajao posing @ Niagara Falls


still at Niagara Falls, with family


posing @ Toronto City Hall


mom and dad with their grandchildren at CNE (Canadian National Exhibition)- Toronto, Canada


still at CNE, this time riding the sky glider with niece and brother in law


with old folks, father side - Brampton


niece & nephew creating snow angels


my first NBA Live experience: Toronto Raptors vs Washington Wizzards

Friday, December 07, 2007

onto the weekend

nice, nice, nice... it's Friday, thank God. although i had my VL yesterday, still i'm thankful that it's the weekend. the only thing online with me yesterday was my twitter mobile. talk about spending on international messaging again. sheesh. anyway, twitter keeps me posted on what's going on around through the updates posted by my twitter friends. and it makes me recall the earthquake that happened last week, and also the Manila Pen event that transpired the same week, twitter was the fastest update i was receiving in connection with the issues. oh well, i still like the wireless journal. lol. :P

so yesterday the girls went shopping while i stood by their side wherever they went (or actually got sleepy the whole shopping time), as we got a few clothes for ayah's cousins. had a nice time though even if i really don't dig spending my whole day in a department store just looking around things to buy. anyway, i had my consolation. ayah got me this "call center jacket" from Molecules. -->
well, i tagged it as a "call center jacket" since it's the kind that most call center people wear in their work. nice stuff and i liked it also since i really don't have something to warm me up whenever the office aircon blows a chilly air in spite of its temperature set to 25 degrees celsius. must be the rainy and "ber" weather creeping into the season. We gave Patricia a treat yesterday. Fetched her from school, had lunch together then took her shopping. before we left the mall, she bought some chocolate-coated apples somewhere in front of Toy Kingdom as instructed by her mom, then finally took her home to Wack Wack. while at her place, i took the opportunity to check on Lyn, my new office partner, and ask what transactions came in for the day. the thing i was afraid off was realized--- purchase orders intended to be paid first were faxed to the principal for delivery.. yaiks! i immediately called the principal and instructed them to hold the purchase orders then called back Lyn to inform her about it. hayy... bakit ganun? parang wala akong karapatang mag-leave, kung hindi, magkakaroon ng aberya sa trabaho? :(

ayah and i proceeded to the supermarket to get some stuffs for myself: Anchor powdered milk, nagaraya adobo & barbecue flavor, oishi caramel popcorn, and, 1 kilo guapple. hehe puro pagkain :P we just took a bite at Mcdonalds afterwards, i just had 6-pcs chicken nuggets without rice. tapos, nakisipsip na lang ako sa iced tea ni Ayah. hehe... i really was sleepy so i asked ayah to have us a half-body massage in some massage parlor in the mall. *note: she saw the brother of joseph b. who was also looking at us, probably recalling Ayah and inquiring who she was with in replacement for his brother. hehehe. anyway, this not-so-first-class massage parlor we got into was ok for us to be relaxed (and i took a nap) for about 45 - 50 minutes. then we headed home and called it a day.

- - - - - - - - - - - -

Lyn is my 4th official Customer Service Associate partner since our company launched way back in 2005. She is the only CSA approved as per my recommendation since i was insisting to my immediate superior that i already know how she works. She should be a BIG help to me and to the department, and to the company as a whole. I just feel that Lyn needs to adjust sooner since it's still evident that she's still into her previous work & peers. I just hope she sees the advantages in working with our company for her own good. anyway, it only means one thing for me: pwede nang magkasakit! LOL.

Monday, December 03, 2007

World AIDS Day, Family Planning, At Sex Education

Noong Sabado ay ginunita ng mundo ang World AIDS Day. Mula nang ilunsad ang kilusang ito may dalawang dekada na ang nakakaraan, hindi pa rin ganap na nauunawaan ng karamihan ang ukol sa bagay na ito. Kaya marahil ay ikinampanya sa taong 2007 ang pagpapalaganap ng kaalaman ukol rito sa pamamagitan ng komunikasyon. Para sa ilang kaalaman, narito ang hango sa http://www.worldaidsday.org/hivf_hiv_facts:

> Ang HIV (Human immunodeficiency virus) ay karaniwang umaatake sa immune system ng isang tao--- ang pananggalang ng katawan laban sa mga sakit.

> Magkaiba ang HIV at AIDS (acquired immunodeficiency syndrome). Maaaring ang isang tao ay HIV positive pero hindi nangangahulugang meron agad siyang AIDS. Masasabi lamang na nagdevelop na ang tao ng AIDS kung umabot na sa puntong napakahina na ng immune system nito at hindi na kayang pigilan ang mga sakit sa katawan.

> Walang lunas sa HIV subalit may gamot para panatilihing kontrolado ang virus na ito at malusog ang immune system.

Para naman maiwasan ang pagkakaroon ng HIV, narito ang ilang kaalaman mula sa http://www.worldaidsday.org/hivf_hiv_prevention:

> Hindi makukuha ang HIV mula sa isang taong HIV positive sa pamamagitan ng mga sumusunod: pakikipaghalikan, paghawak, pag-ubo, pagbahing, paggamit ng isang toilet seat, pagligo sa isang swimming pool, paggamit ng parehong kubyertos sa pagkain.

> Upang maipasa sa ibang tao ang HIV, narito ang ilang dapat iwasan: pakikipagtalik ng walang proteksyon (condom), paggamit ng isang infected needle sa ibang tao, pagsilang mula sa isang ina na HIV positive.

Sa ganang akin, iminumungkahi ko na lumagi sa pakikipagtalik sa isa lamang na partner.

Ang pagpaplano ng pamilya ay isang bagay na naimulat sa akin ng paaralan at ng mga ad campaign ng pamahalaan noon pa mang ako ay nasa high school pa. yun nga lang, hindi pa ganun ka-bukas ang gobyerno sa impormasyon ng iba't-ibang pamamaraan upang matugunan ang epektibong pagpa-plano ng pamilya. marahil ito ay sa kadahilanang malaki pa ang pasintabi (noon) ng pamahalaan sa simbahan (Katoliko). Sa ngayon, nakakatatlong taon na ang administrasyong Arroyo at ang bansa ay nababalot ng iba't-ibang isyu na may kinalaman sa politika. nakakalungkot dahil ang isa sa mga suliranin ng bansa ay halos hindi napagtutuunan ng pansin ng pamahalaan. isa sa maraming suliraning dapat na hinaharap ng masinsinan ng gobyerno ay ang patuloy na paglobo ng populasyon sa ating bansa. ako ay naniniwala na ang pag-kontrol dito ay may malaking maitutulong upang maging maalwa ang buhay ng mga Pilipino, hindi man ngayon ay sa hinaharap na panahon. natutunan ko sa basic economy ang kaugnayan ng supply & demand sa isa't-isa. akala ko pa naman ay ekonomista ang naluklok na pangulo subalit tila yata hindi nabibigyang-pansin itong aspetong ito. kung ang bawat pamilyang Pilipino ay may sapat lamang na bibig na pakakainin, hindi tayo hahantong sa pagkakulang ng pangangailangan: pagkain, pananamit, at tahanan. Isa rin ito marahil sa dahilan kung bakit mas ninasa kong maluklok sa pagkapangulo ng bansa noon ang katunggali ng kasalukuyang administrasyon na si Ping Lacson. sa lahat kase ng kumandidato sa pagkapangulo ng bansa noong 2004, si Lacson lang ang may konkretong plataporma ukol sa family planning. hindi man niya iminungkahing tularan ang one-child policy ng bansang Tsina, halos gayun din ang magiging patakaran sana niya ukol sa isyung ito. isang bagay na bago marahil para sa mga Pilipino at magiging mahirap sa simulang pagsasakatuparan nito, pero ang magiging resulta ay long-term. ibig sabihin, mararamdaman natin ang pakinabang sa mga susunod na henerasyon.

hindi madali ang buhay natin ngayon. di tulad noon, magkaroon man ng isang dosenang anak ang mag-asawa, karaniwan lang ito. pero ngayon ay ibang kwento na. mahal na ang lahat ng bagay: bilihin, pagkain, tuition fee, gamit sa paaralan, allowance ng estudyante, gasolina, atbp. kaya isang mabuting bagay na ang bawat pamilyang pilipino ay matutong magplano ng pamilya. hindi lamang upang makaiwas sa sobra at sunud-sunod na gastusin, ang pinakamahalaga sa pag-aagwat ay ang pagkakaroon ng sapat na panahon at atensyon sa pangangalaga at pagpapalaki ng anak. harapin natin ang realidad. kapag sunud-sunod ang taon ng anak ay hindi gaanong nabibigyan ng sapat na pagkandili ang bawat isa. nahahati maging ang atensyon at oras, hindi lamang ang materyal na bagay na nararapat iukol sa kanila.

Maging ang aking pinaniniwalaang kautusan bilang Kristiyano ay sumasang-ayon sa pagpa-plano ng pamilya. matapos basbasan ng Diyos ang mga unang tao, pinahayo niya ito sa lupa upang magpakarami. Subalit kasunod ng kautusang pagpapakarami ay agad ring sinundan ng Diyos ng gabay ang tao na ito ay kanilang dapat supilin (Genesis 1:28). dito nagkakaroon ng bahagi ang pamamaraan ng mag-asawa upang magawa ang tamang pag-aagwat ng panganganak ng isang ina. hindi masama, bagkus nakabubuti para sa mag-asawa ang paggamit ng artificial methods sa pakikipagtalik upang matugunan ang tamang pag-aagwat ng panganganak. hangga't hindi iminumungkahi ng isang artificial method ang abortion o pagpatay ng fetus sa sinapupunan ng babae, maaari itong gamitin. ilan sa mga ligtas na paraan ay ang paggamit ng condom, pills at vials na ini-inject sa babae upang mapigilan ang pagiging fertile niya sa panahon ng pagtatalik ng mag-asawa. ang condom naman ay hindi lamang mabisang gamit para sa hindi pagbubuntis, ito rin ay mabisang gamit upang makaiwas sa STD (sexually-transmitted disease). pero gaya ng nabanggit ko sa unahan, pinakamainam pa rin na lumagi lamang sa isang partner upang maiwasan ang mga suliraning maaaring makasalamuha sa hinaharap.

kaugnay ng paggamit ng artificial methods, hindi ko iminumungkahi na gamitin ito ng isang lalaki at babae sa walang hanggang pagtatalik, kung kailan nila maibigan. laging tatandaan sana: lahat ng bagay na inyong ginagawa ay may katapat na responsibilidad. bagama't hindi ako pabor sa pre-marital sex at extra-marital sex, isang katotohanan sa panahon ngayon ang pagkakaroon ng ugnayang-sekswal ng mga tao sa iba't-ibang partner. ang nakalulungkot pa rito, karamihan sa mga kabataang nakikipagtalik na sa murang edad (15 to 18) ay hindi nauunawaan ang responsibilidad na kaakibat nito kapag ito ay nagbunga. ang sex ay hindi nilikha para lamang pampasarap. kung hindi mo kayang panagutan ang magiging bunga ng sandaling sarap na ginawa mo, huwag kang sasabak dito. isa pa, kapag dinapuan ka ng STD sa minsang pagkakamali mo, masasabi mo ring "nasa huli nga ang pagsisisi". sa modernong kaisipan at panahon ngayon, nananatili ako sa panig na ang pakikipagtalik ay pinakamasarap pa ring gawin sa taong mahal mo--- ang taong kasama mong binasbasan sa harap ng Diyos, saksi ang mga taong malapit sa inyong dalawa, at siyang kasama mo sa pagpaplano ng pamilya, pagpapalaki ng mga anak, at pamumuhay ng maligaya sa hinaharap.

Sunday, November 25, 2007

hahaha!

putek naaliw ako dito.. hindi lang ito ang video clip, series pa ito..
"Go Bords! " hahaha!!!

Wednesday, November 21, 2007

mahahabang mga araw

mula pa nung lunes ay napapagod na ako, isipin ko pa lang ang mga nakatakdang gawin sa opisina. inasahan ko nang magiging abala ako sa maghapon hanggang abutin ng kung anumang oras, maisara ko lamang lahat ng transaksyong dapat matapos nang araw na iyon. kinabukasan kase, nakatakda kong gamitin ang isa sa walong VL ko. cool. bakasyon. pero bago ko nasabing "let's call it a day", nagdugo muna ang ilong ko sa gulo ng mga transaksyon ng mga hawak ni sir bodjie. LAHAT ng ipinasok niyang transaksyon, halos bulilyaso. nagkagulu-gulo tuloy ang records namin na naisumite na noong katapusang araw pa nang nagdaang buwan. kailangang ulitin ang ulat. hayy... pasado alas-otso na yata ako nakalabas ng opisina. pagod. hapo. at sabik sa kinabukasan. hayy.. ulit. ikinain ko na lang ng burger steak ang mahabang araw ng lunes.

kinabukasan ay masaya akong gumising. kase, date namin ni ayah at meron na kaming itinerary: San Fernando Pampanga! yey! sakay ng vios ni inay, binaybay namin ang kahabaan ng NLEX at nakipagkita sa aking itay. pinuntahan namin sya sa opisina at pagkatapos ay sinamahan niya kaming umikot sa mga dapat naming puntahan. syempre, FREE lunch! hay, sarap-buhay:





pagkatapos ng pamamasyal na iyon ay dumiretso kami sa Jomark Photography para naman isara ang deal na nauna na naming pinag-usapan noong nakaraan pang linggo. pagkaalis namin sa opisina nila ay tumulak naman kami ni ayah sa bahay ng lola ko sa Minalin dala ang isang kilo ng seedless grapes na pasalubong namin sa kaniya para sa kaarawan niya kinabukasan (ngayon, ika-21 ng Nobyembre). pero bago yun, namili muna kami ni ayah ng ilang kilo ng tocino, skinless longganisa, at hotdog sa Tita's Special pampasalubong sa mga taga-Maynila. balik sa bahay ni lola (hehe), nagpahinga lang kami ni ayah sandali, nakipagkwentuhan, nag-ikot ng kaunti sa palibot ng bahay ng tita ko at nagpaalam na rin upang muli na kaming lumuwas sa Maynila. ayoko rin kasing gabihin una, malabo ang mata ko, pangalawa, may ensayo pa kami sa ganap na ikawalo't kalahati ng gabi. pero bago namin binaybay pa-timugan ang NLEX, nag stop-over muna kami sa bilihan ng mga paso. naaliw si ayah sa napakaraming tinitindang paso sa may bayan ng Sto. Tomas, barrio Sto. Nino. naalala niya si papa deng na napakahilig mag-alaga ng halaman. bumili ng ilang paso si ayah potter (hehe, ganda ng pangalan mo!) at pag-uwi ay buong galak na ipinasalubong sa kaniyang lolo. pagkahatid kay ayah sa kanilang tahanan ay tumulak na ako sa lokal para dumalo ng ensayo.

kanina, isang mahaaaaaabang araw na naman ang hinarap ko sa opisina. andami ko nang nakatambak na gawain. mabuti na lang sa a-tres ng susunod na buwan ay to the rescue na si super Lyca! abangan kung sino siya!

Sunday, November 18, 2007

beautiful place corrupted

alam kong malapit na ang holiday season at magsisimula nang kumalat ang mga tiangge sa bawat lugar na maaaring pag-usbungan nito pero baka may makakapagpaliwanag kung bakit meron nang ganitong bilihin sa loob ng paborito kong tambayan, ang Tiendesitas?



Nang kuhanan ko ito ng larawan kahapon ay katabi ko lang ang isang mag-ina na tumitingin ng mga VCDs sa gawing kaliwa ko. Halos gusto kong takpan yung mga CDs na hindi dapat naka"bilad" ng ganoon habang ang may-ari (nagtitinda) ay kumakain sa katabing lamesa na malapit sa pwesto nya. Wow. Ano kayang reaksyon nung nanay kung pinulot at nasabik alamin nung anak nyang nasa edad 7-9 yung "Sikreto Ni Kuya"?

Thursday, November 15, 2007

Pinoy Vlogging In A Personal Bloggers Perspective

Jon: For you, what is blogging?
aajao: When I first learned about blogging, I immediately got eager to try it out for the sole reason of having a diary--- an online diary.

Jon: How long have you been blogging?
aajao: My blogspot (03.03.03 stories...) started in March 3rd, 2003, hence the blog title. Then I started another blog on the same year but in a much later month, which is exclusive for my spiritual thoughts and not so many people are given it's URL address. I wasn't satisfied of having just two so I ended up making another "blog" account in xanga.com, whose main "audience" are my church mates in Canada.

Jon: Canada?
aajao: Yes, Canada. I got to visit the eastern part of Canada and it is where I was introduced to xanga by the younger people.

Jon: So you've been blogging for over four years now..
aajao: I can say five years over since I used to subscribe to PEx Plus Private, a private online journal sponsored by PinoyExchange.com. That was around 2001-2002. And together with that, it also offered the Wireless Journal feature, the local version of todays twitter.com

Jon: Wow. That was a long journey through blogging. So, what are the usual contents of your blogs?
aajao: From the start, I blog to post updates on what is going on with my life, document what my mind wants to speak out and sometimes blurt out my own opinion on certain news events or social issues, especially those that affect the Filipino people.

Jon: And do you enjoy reading other blogs?
aajao: Hmm... it depends. If I am interested with the person then naturally I'd be enjoying reading his/her blog.

Jon: Have you heard about Pinoy vlogging?
aajao: seriously, it was only introduced to me by Coy just this year. Well, vlogging, that is, and since Coy is Pinoy, then I guess he and his "work of art" can together be labeled as Pinoy vlogging, don't you think so?

Jon: Well, yeah. So what can you say about Pinoy vlogging?
aajao: Ok, let me see... first, I'd like to put into words my amusement in the term "vlogging". So I've learned that it is a shortened term for the two words "video" & "blogging". From the words combined, I can easily define that vlogging is an online anecdote of the authors life (or adventures) posted in video. In this case the author is not only considered as a plain author of his blog but also an artist.

Jon: What brought about your last statement?
aajao: Well, I can tell that making a vlog post isn't as simple as ABC. Every vlog post is treated as special--- with a subject ready to be broadcasted, the artist will still need to conceptualize his visuals and proper approach. There lies the difference between blogging and vlogging. In blogging, you can easily write about a certain topic in different angles. In vlogging, it takes a good amount of time to conceptualize, put into script your subject, then prepare the materials to be used for the shoot. You also need to check on your audio. And oh yea, did I already mention about the editing?

Jon: Wow. You sound like a veteran vlogger.
aajao: Never been one. I'm camera shy. :P Kidding aside, I have maintained my blogs to be personal in nature and I intend to keep them as is.

Jon: Oh, okay. So, how do you envision the future of Pinoy vlogging?
aajao: vlogging in the Philippines isn't really an established "medium" of Pinoy bloggers yet. Yet. With all the technology that we have these days and it will be more advanced in the future, vlogging might just become the next blogging trend in the Pinoy blogosphere. For one, Pinoys are creative and passionate with their choice of tasks. Pinoys enjoy reaching out to others by all means, and vlogging is a great opportunity to realize this trait of ours. With vlogging, you not only give your audience the chance to know you by the way you write but it also gives them the chance to get a better "picture" of the authors/artists personality.

Jon: Ok one last question, will you make a vlog entry?
aajao: hmm... we'll see.

- fin -

Related Posts with Thumbnails