Saturday, December 13, 2003

Today (Friday), halos ginugol ko ang buong araw para sa Mississauga News. Habang nalalapit ang pasko (ng sanlibutan), mas dumarami ang flyers na dapat i-insert sa mga dyaryo. kaya mas matagal ang sorting, mas mabigat ang deliveries, mas mabagal, mas masakit sa katawan, at mas nalalapit ang paa ko sa hukay! Wala pa naman akong OHIP dito. (Paki-iksplika nga po kung ano yung buong ibig sabihin ng OHIP). Basta ang alam ko, medical benefit ito sa mga immigrants dito. kaya bilang tourist, sori na lang ako kapag nagkasakit. Gagamutin naman nila ako kaya lang, mamamatay rin ako kaagad kapag nakita ko ang bill ko sa ospital.

ngayon lang ako ganap na makakaharap sa computer at minarapat kong magkwento muna ng mga bagay-bagay dito sa blog ko, bago muling umali-aligid sa PEx, at sa blog ng may blog.

hindi pala ako nakadalaw dito kahapon. dangan kase, pagkauwi galing sa kapilya ay sabay kaming dumating ng bayaw ko, galing sya sa pagkuha ng mga flyers na isisingit sa dyaryo para sa araw na ito. kaya, ang siste, nagsimula na kami ni ate na magsort ng mga ito hanggang alas dose lang ng gabi dahil pareho na kaming ngarag.

kahapon (Huwebes), napag-alaman ko sa pamamagitan ng Frontpage (December 10 headline, Part 1), na inanunsyo ng "United Opposition" na si FPJ ang opisyal na kandidato ng partido sa pagka-pangulo. Natawa naman ako sapagkat wala si FPJ sa okasyong iyon. hay naku... ewan ko ba sa pulitika sa atin..

Pero ngayon, isang balita ang bumulaga sa akin na kung saan hindi ko malaman kung anong reaksyon ang dapat kong madama.
Si FPJ ay parang isang tutang mahiyain na pinipilit nang kumahol. Si Senador Tito Sotto ang trainor. Hindi ko pa naipapahayag dito sa blog ko ang komento ko ukol sa kandidatura ni FPJ bagaman, marami na akong naihinga sa PEx, ukol sa bagay na ito. magmamasid muna siguro ako nang ilan pang mga araw...

----------

kahapon pa rin, dumalo ng pagdinig sa korte si bayaw, ukol sa pagkahuli nito noon pang nakalipas na buwan sa kasong overspeeding. bilib din naman ako sa pamahalaan ng Canada. Sobrang higpit kuno pasimple rin naman ang korupsyon dito. Naalala ko tuloy nung araw na maglipat ng bahay ang pinsan ko at nang sumama ako sa pagbuhat ng mga gamit. papunta sa bagong bahay, dalawang Pilipinong dito na lumaki, ingglisan ng ingglisan ang nagkukwentuhan tungkol sa trabaho nila, pangungurakot ng kumpanya at gobyerno dito, at yung mga karanasan nila sa mga bagay na ito. habang papunta kami sa bagong bahay, busog ang tenga ko habang pinapanisan naman ako ng laway. nakikinig lang ako sa kwentuhan nila habang pinag-uusapan nila kung paano sumimple ng panraraket ang mga tao dito. sa isip ko, "akala ko sa Pinas lang may kurakot, dito rin pala." ang kaibahan nga lang, masyadong garapal ang pangungurakot sa Pinas, samantalang dito, takot silang mahayag o ipakita ng tahasan sa mga mamamayan. howell... korupsyon pa rin yun.

----------

kahapon pa rin, habang naghihintay kami sa labas ng kapilya, nakakwentuhan namin ng ate ko si Roma tungkol sa Mississauga News delivery, kung meron bang mga maybahay na nagsusumbong sa nasabing tanggapan. Matagal na kase silang nagdedeliver nito, bago pa man kami nagsimula ng mga kaibigan ko isang buwan na ang nakakalipas. OO daw, meron, sabi ni Roma. Nagulat kami ng ate ko at nabanggit ko pa nga, "Ang kapal naman ng mukha nilang magreklamo eh libre na nga yung dyaryo!" Nagkatawanan lang kami at inulit pa niya, meron daw talagang mga nagrereklamo.
Eto ngayon, pag-uwi namin galing sa pagtupad, may dalang note si bayaw galing sa Mississauga News:

"Important Delivery Message: CARRIER LEAVES THE PAPER BETWEEN STORM DOOR AND LEAVES IT OPEN. PLEASE CLOSE STORM DOOR AFTER PUTTING PAPER THERE OR SECURE PAPER ON PORCH."
Kasama sa notang ito yung address ng bahay ng nagreklamo at yung pangalan ni bayaw (kase siya yung nasa kontrata) at yung petsa ng reklamo.

Pagkabasa nito, inis na inis si bayaw samantalang kami naman ni ate, nagkatawanan na lang.

Thursday, December 11, 2003

> minadaling-araw ako kanina kakasort ng flyers
> nag check ako ng email
> tinawagan ko si mamsi at nangumusta at sinabing natanggap ko yuing email nya
> tinawagan ko si friend para makiramay.
> tinawagan ko si abby at nag-iwan ng voice mail sa cell phone nya
> after three minutes, tumawag si abby at nagkwentuhan kami. masaya sya kase wala syang pasok.
> natulog ako.
> tinanghali ako ng gising at hindi inabutan yung bus ng pamangkin ko, resulta: ibinalik sya sa paaralan at doon namin sinundo ni bayaw.
> pumick-up kami ng dyaryo
> nag insert ako ng flyers sa dyaryo
> kumain ako ng tanghalian
> nag insert ulit ng flyers sa dyaryo
> nagdeliver ng dyaryo sa neighborhood
> nag check ulit ako ng email, nagPEx, nang-i-istok sa mga blogs at nag-update ng profile sa friendster
> kumain ako ng hapunan
> tinawagan ko ang kaklase kong si Ekhim upang batiin siya ng "Maligayang Kaarawan" ngayong araw na ito (December 11 sa Pilipinas. actually, nasa Cebu siya ngayon. Pampanga Day din ngayon sa Pampanga)
> nagpapababa ng kinain at naga-update ng blog
> matutulog na ako
> good night

Wednesday, December 10, 2003

marami akong pera ngayon... naibigay na ni bayaw yung parte ko sa isang linggong pagdedeliver namin ng dyaryo. tapos, nakuha na ni noriel yung tseke nya sa parehong dyaryo, may parte rin ako kase tatlo kaming gumawa para dun sa unang dalawang linggo. pero hindi ko gagastusin ang pera, kase hindi ko pa man nakukuha yun, nakalaan na yun para ihandog ko sa darating na pasalamat. maliit na halaga, pero pinagsikapan kong ihanda. PURIHIN ANG DIYOS!

------------

sa pag-iikot namin nina Charlie at Noriel sa Square One, nakakita kami ng glass chess board na napakaganda sanang makuha bilang koleksyon o display sa bahay at ito'y nagkakahalaga lamang ng 15CAD. karaniwang presyo ng ganung klase ng chess board ay nasa isandaan mahigit pero nakasama ito sa isang moving out sale. gusto ko talaga sanang bilhin yun kaya lang, mas naunahan ako ng pagiging praktikal. sa sitwasyon ko ngayon, hindi pa praktikal magbibili ng mga ganung bagay. saka na marahil.

reviewing my blog, i've heard three deaths for the past two months and the fourth one i just heard today is the death of my friend Mariel's brother. have no details about it yet. i was informed by LA thru email and i was talking about this with jovee thru PEx. Jovee informed me that friend mariel was trying to contact me but i am not using my cell phone.

Condolence, friend. I'll call you as soon as i get myself a phone card.

------------

For everyone who's been trying to text or call me, i'm currently not using my SIM Card. I let my sister use my Nokia unit after i tried to open its line for other SIM Card use. Its perfectly working with her Fido SIM card. I'll be informing you when my SUN SIM is available again for incoming texts and calls.

Tuesday, December 09, 2003

A PATHETIC ENTRY

(the following entry is taglish)

i am forgetting how to work in an office already. i've been unemployed for almost six months now. i've been a legal visitor/domestic helper/newspaper boy for quite a time now and i'm already looking forward to January 2004. It will be the start of the Canadian government's program for "outsiders". I have gathered a number of reference letters from peers and colleagues back home, and i got myself some papers that i'll be needing for this program.

whenever i read tin's blog, i always think when i will arrive at her status as an immigrant and a citizen as well of this freakin' cold country! She just arrived and now she's legally working! Actually, Canadian citizenship is not my (topmost) priority. I only want to have a legal working status here so i could save some money and then proceed to a more matured stage of life.

matagal ko nang gustong magkaroon ng sariling pamilya. oo, maaari akong mag-asawa kung kailan ko gugustuhin, pero para sa akin, hindi basta-basta ang paghahandang dapat kong gawin sa paglusong sa buhay-may asawa. unang-unang dapat kong ihanda ay ang sariling "pondo", upang may maipantustos sa magiging pamilya ko. hindi naman siguro maganda na iasa ko pa sa mga magulang ko yung mga bagay na ikabubuhay ng sarili kong pamilya, diba? isa pa, halos lahat yata ng kamag-anak ko (mother & father side) inaabangan ang kasal ko. kaya hindi pwedeng ganun-ganun na lang ang kasal ko.

tungkol naman sa pagpili ng makakasama ko habambuhay, medyo kumplikado talaga ito. unang-una, mapili talaga ako. pihikan sa lokal na termino, 'ika nga. sa tanang buhay ko, apat na babae lang ang naging katipan ko, at ang pinakamahabang relasyon (sa apat) ay tumagal lamang ng isang taon at apat na buwan. siya na sana ang pakakasalan ko, kung hindi lamang nagkaproblema noong nakaraang taon na unang pumunta ako dito sa Canada. halos, ibinaba ko ang pamantayan ko sa pagkakaroon ng katipan nang makasama ko siya. hindi siya ang ideal girl ko pero minahal ko siya. lahat ng hindi ko gusto sa isang babae bilang katipan, nasumpungan ko sa kaniya--- naninigarilyo, umiinom ng alak, mahilig sa gimik hanggang hatinggabi, tumatakas sa dorm, nagka-cutting classes--- pero tinanggap ko lahat iyon kase mahal ko siya. isang bagay lang ang naging pagkakamali niya na hinding-hindi ko matatanggap at iyon ay nang masira ang tiwala ko sa kaniya, pagkaalis ko ng Manila papunta rito sa Canada. isang beses lang na masira ang tiwala ko sa isang tao, habambuhay nang nakaukit ang lamat niyaon. kaya nawala ang pag-ibig ko sa kaniya.

now, i found someone. but the idea is absurd. i can't see any light why i should continue this feeling for her. she's committed with someone and i don't want to injure their relationship. i should know where to put myself but i hope nobody ever blame me for this. because its a feeling, and as far as i know, a feeling can't be dictated. i'm trying my best to stay away from this...

maybe they're right. "don't look for your better half. she'll just come in one perfect time." thing is, i've been waiting for a long time now. but if that time comes, i wouldn't know how i could be so grateful to her...

Monday, December 08, 2003

huwaaat?! Keira Knightley whom i admired in the movie Love Actually is the same girl who starred in Bend It Like Beckham? gasp!

Related Posts with Thumbnails