may ilang linggo na rin ang lumipas mula nang ibalita sa akin ni Kuya Chinggoy ang paglabas ng pinaghirapan nilang aklat.. ang Unang Putok ni Glentot. una ko pa lang nabalitaan na "niluluto" nila ito, natuwa na ako. unang-una, binalak kong sumali sa isang proyektong kauri nito pero hindi natuloy. pangalawa, na-imagine ko pa lang ang magiging laman ng aklat, naisip ko na agad na papatok ito. pangatlo, pareho kong kaibigan ang dalawa sa mga bumuo nito at nakilala ko sila mula sa mundo ng blogosperyo.
[caption id="attachment_3144" align="alignnone" width="207"] ang "Unang Putok" ni Glentot[/caption]
kaya kagabi, pinilit kong dumaan na sa pambansang aklatan (National Bookstore) sa may Robinsons Metro East kung saan available daw ang kopya ng aklat ni Glentot (ayon sa ads and promotion material nya sa blog nya). excited akong tumingin sa shelves, naghanap sa "new arrivals" section. wala pala. ikot ulit sa shelves, hanap... hanap.. hanap... saang section kaya naroon yun? wala sa FICTION. wala sa ROMANCE. wala sa BIOGRAPHY. wala rin sa HUMOR... nasa RELIGION shelf kaya? last resort ko na yun. wala pa rin. kaya minabuti ko nang tunguhin ang customer service nila at ibulong sa babae, "Miss, meron kayong Unang Putok?" nung bigyan ako ng isang salitang tugon na "ha??" with matching taas-kilay-sa-noo facial expression, doon ko medyo na-realize na may pagka-double meaning yung tanong ko. o baka nga sa kanya, isang meaning lang yung sinabi ko. kaya nilinaw ko, "Miss, meron kayong new arrival na libro na ang title ay Unang Putok?" "ah. sinong author?" "di po kase ako sure kung gumamit sya ng pen name." hanap sa computer si ate sa inventory nila. after a few minutes and many keyboard strokes, nagsalita yung babae, "ahh... ohh... uuhhmmm... (joke lang, walang ganung halinghing) eto. wickedmouth? isinulat ni Glentot!" "ay, yan na nga po!" "wala kami. meron sa national sa recto. meron din sa megamall." gusto ko syang bigyan ng makulay na poker face. "MISS. baka sa Sta Lucia meron?" "ah, oo. meron nga pala." ktnxbye!
nagmamadali kase ako dahil hinihintay ako ng mag-ina ko sa kanto. kaya excited kong tinahak ang walking distance branch ng national bookstore sa sta. lucia mall naman. sure ako meron na rito. bukod kase sa mas malaki yung branch nila, dapat lang meron na kase kung wala pa rin, aawayin ko na talaga si Chinggoy! (na-text ko na nga pala sya at sinabing walang stock sa robinsons metro east, taliwas sa advertisement ni glentot)
so ayun. dahil kulang na ko sa time, dumiretso na ko sa Customer Service at nagtanong ulit in a well-toned manner voice, "miss, may Unang Putok kayo?" naulit yung taas-kilay-sa-noo facial expression na natanggap ko sa kabilang branch at gusto ko nang tawagan si glentot para sabihing umiiba na ang imahe ko sa katatanong ng titulo ng libro nya sa mga babaeng akala naman nila eh ubod sila ng attractive. anyway, dahil excited akong makabili nung libro ni friend glentot, in-specify ko ulit yung tanong at dali-dali akong kinaladkad isinama sa "humor" section... Lo and behold! eto ang nakita ko:
[caption id="attachment_3143" align="alignnone" width="300"] Unang Putok ni Glentot sa Humor shelf[/caption]
hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, i grabbed one copy and went to the cashier. without batting an eyelash, put out my 500-peso bill and paid for my precious copy of the book! sana matuwa yung dalawang blogger friends ko. i'm sure matutuwa rin naman ako sa libro. in fact, babaunin ko ito sa flight ko sa Iloilo bukas. great timing! di ako matutulog lang sa eroplano this time. gusto ko na sanang buksan kagabi pag-uwi ko kaya lang baka matapos kong basahin, wala na kong babaunin sa air trip ko. as the name of the book suggests kase, mukha syang pringles.. once you popped, you can't stop. baka pagbukas ko ng unang pahina, maya-maya huling pahina na pala yung binabasa ko. so ayun.
sa halagang 200 pesos, nangilin ako ng isang full body massage session para mabili ko ang aklat na ito. (glentot, alam mo na kung anong gift cert ang ibibigay mo sa akin sa bagong taon, hehe)
[caption id="attachment_3142" align="alignnone" width="300"] ipinangilin ko ng isang body massage ang pagbili ko ng aklat na ito. sulit, pramis![/caption]
sulit na itong aklat na ito. sabi nga ng may-akda, somewhere inside the book, meron din itong moral story, kahit di sya sure, basta! grab your copy now! ;)
Wednesday, November 20, 2013
Sa Wakas, Meron Na Akong Unang Putok! (the wickedmouth way)
story told by
aajao
at
6:07 pm
5
feedback
Thursday, November 07, 2013
Super Typhoon Yolanda
i am so worried about this super typhoon HAIYAN (local name: YOLANDA)
[caption id="attachment_3135" align="alignnone" width="300"] ST Haiyan becoming ST Yolanda by Thursday, November 7, 2013[/caption]
ingat po mga kababayan namin na nasa mga lugar na maaaring madaanan nitong malakas na bagyong ito.
story told by
aajao
at
2:15 pm
1 feedback
Labels: news and public affairs
Saturday, November 02, 2013
medyo busy
it's the 2nd day of November already. maya-maya lang, new year's eve na at sasalubong na tayo sa panibagong taon. yup, ganun kabilis ang panahon lalo na ngayon na busy-busy-han ako sa trabaho--- hindi napapansin ang takbo ng mga araw. may mga unexpected (read: surprises) na kaganapan kase sa opisina kaya heto, ninanamnam ang long weekend na dala ng undas. sa lunes, abala na naman. pero mas ok na ito kaysa walang ginagawa at naiinip magbilang ng oras kada araw, di ba?
first time kong makarating sa 'kabukiran' ng Angat para um-attend ng anibersaryo ng Gawad Kalinga. Mahaba man ang nilakad namin papunta sa 'venue' ng palatuntunan, ayos lang ako kahit pawisan, pramis! lalo na nang madaanan namin yung palayan kung saan halos ready nang anihin yung mga nakatanim. golden field!
[caption id="attachment_3117" align="alignnone" width="300"] sa bukid walang papel, uy! :P[/caption]
sa venue ng pagdiriwang, may mga guest speakers sa magkahiwalay na function halls, at maraming exhibits/bazaar na nakakalat sa buong venue--- pagkain, handicrafts, at marami pang iba. na-enjoy din namin ng kasama kong si Gayle yung freshly made ube ice cream! yammy!
Noong October 17, tatlo ang events na paghahati-hatiang daluhan ng team namin: agents night, dfa tie-up, at business mirror anniversary. pero pagkapananghalian, biglang sumakit ang tyan ni boss nix. itinakbo namin sa ospital.. ano ba ito, contraction? manganganak na ba? buti na lang may rental na sasakyan sa parking at nasakyan namin papuntang Delgado. pagkalipas ng ilang sandali, gastritis ang hatol ng doktor. minabuti na rin ni boss na magpahinga hanggang kinabukasan kaya kami na ng team mates ko ang tumuhog sa mga event.
[caption id="attachment_3122" align="alignnone" width="300"] hurrah for BM! #8thYearAnniversary[/caption]
[caption id="attachment_3123" align="alignnone" width="300"] sweet tooth for the night ;)[/caption]
[caption id="attachment_3124" align="alignnone" width="300"] with the Corp. Comm. Supervisor, Gayl[/caption]
boss nix wasn't able to work the following day. pagpasok nya the week after, sumakit ulit ang tyan nya before the weekend. this time it's for real. kinailangan na siyang i-CS. huwaaaatt?? December pa ang mind setting ko! *slaps forehead* pero heto na.. this is it. time to take over. met the team the next working day and gave them the 'news.' then we planned on what to do for the next few days, weeks, and even months. whew! quota na ako sa trabaho, pero marami pang darating! so i am just taking it one day at a time.
- - - - - - - - - - - -
kasabay ng pagkaabala ko sa trabaho, dumating na ang ate ko kasama ang buo niyang pamilya. yep, narito rin ang tatlo kong pamangkin. i was happy to see them but haven't been with them for a long time yet. doon muna kase sila sa side ng bayaw ko nag-stay. except the holiday (nung barangay elections) nakasama namin sila for the whole day when we went to Enchanted Kingdom. ang saya!
[caption id="attachment_3126" align="alignnone" width="300"] enjoyed one of the newest rides in EK with pamangkins & Kuya Nelson[/caption]
[caption id="attachment_3127" align="alignnone" width="300"] with the "spectators" (yung mga okatokat sumakay sa (extreme) rides hehe[/caption]
[caption id="attachment_3129" align="alignnone" width="300"] The Josons cousins with Little Aya (bunso)[/caption]
looking forward to be with them longer! :D
story told by
aajao
at
1:19 pm
1 feedback
Labels: breather, career, family, huwaaat???, surprise story