Hindi ako movie buff. Kung may papanoorin man ako sa wide screen, sisiguraduhin kong gustung-gusto ko itong panoorin kahit pa hindi ito ang pinaka-pinag-uusapang palabas. otherwise, aabangan ko na lang sa dvd.
kung ako ang tatanungin, mas nawiwili akong panoorin ang ilang indie films kaysa mainstream. lower budget, lesser known artists, but well-thought-of stories. panalo pag socially-related ang plot ng kwento--- sumasalamin sa totoong buhay ng lipunan. hindi man ikaw yung artista, ramdam mo na bahagi ka nito.
hindi ako nabigo na makita muli ito sa isang pelikula. kwento sa isang lugar, ang katotohanan ng sistemang lumalamon dito, ang pagpupunyagi ng ilang nilalang na mabago ang bulok na sistema, at ang pag-asa na pilit iniilawan sa loob ng madilim na kinalalagyan. sa lugar na kung hindi ka marunong makisayaw sa uso, nanaisin mo na lang mawala. pero dahil sa determinasyon ng mga tao na baguhin ang indak ng karaniwang tagpo sa looban, pilit na igigiling ang pagod nang katawan sa saliw ng bagong musika.
totoo ang kasabihan: "habang may buhay, may pag-asa."
ito ang kwento ng mga taong biktima ng bulok na sistema, ngunit dahil sa katatagan ay umasa at nagkaisang isayaw ang pagbabago para MAKALAYA sa lugar na kinikilala nilang "impyerno."
[caption id="attachment_3032" align="alignnone" width="375"] Starring: Patrick Bergin, Dingdong Dantes, Joey Paras, Ricky Davao[/caption]
[caption id="attachment_3033" align="alignnone" width="300"] Portfolio Films - Dance of the Steelbars - Showing JUNE 12, 2013 in SM Cinemas, Metro Manila - Directed by Marnie Manicad & Cesar Apolinario[/caption]
side note: ang effective lang ng character ni Gabe Mercado. sa husay nyang mag-portray ng role, nakakainis talaga sya sa pelikula.
Thursday, June 13, 2013
Maligayang ika-115 Kaarawan ng ating Kalayaan!
story told by
aajao
at
6:06 am
4
feedback
Labels: on screen, Taas-Noo Pilipino
Tuesday, June 11, 2013
mall rat
kanina, isa ako sa mga nagbukas ng isang mall sa Manda. inutusan kase ako ni boss na mamili ng something para sa ilang kaibigan sa media. habang nagmi-meeting sya dun sa tanggapan ng aming PR agency, ako naman, naglilibot sa mall. sa dalawang oras na nakalaan sa akin, hindi ako makapili ng bibilhin para sa dalawang lalaki at isang babae. sabi ni boss, pwede namang unisex gift ang bilhin. nagbigay pa ng ilang "generic" media tokens na pwede ko ring bilhin: kape, o alak. pero alinman sa dalawa, hindi ko nabili. five minutes bago mag-dalawang oras (halos), bitbit ko na ang cupcake pastries na naka-kahon at 3 parker pens. fail daw ang food sabi ni boss. paano nga naman kung wala yung pagbibigyan ko, eh di maghihintay pa ng isa o higit pang araw yung pagbibigyan ng token? paano yung pastry? baka masira. sayang. OK. lesson learned. may next time pa naman (yata) ulit :D
pagbalik namin sa opis, takbo naman sa judging ng art contest. iniwan ko rin dahil kailangan namang mag-ikot sa media friends... di ba nga kaya may "tookens" na pinamili? so ayun. natapos naman nang maaga ang pag-iikot at saka bumalik sa opisina para tapusin ang unfinished business(es).
after office, excited ako. nabigyan kase kami ng invites para sa press screening ng Dance of the Steelbars. pagkatapos ng palabas, naki-kumusta ako sa mga kakilala sa dating pinaglingkurang network. at sa pag-uwi, isa na naman ako sa nagsara (naman) ng mall. mall rat lang?
kumusta yung pelikula? yun ang susunod kong blog post ;)