Monday, February 28, 2011

last day of the 2nd month, 2011

ang bilis. marso na agad bukas. cut-off day pala sa dati kong pinapasukang kumpanya. hehe... di na ako mangangarag sa cut-off days... pero mamaya siguradong iikot din ang mga pwet namin dahil launch day ng programa namin (na nabanggit ko na sa mga nakaraang posts).

anyway, medyo nangangapa pa ako sa ngayon sa bagong 'set-up' ng career ko. oras, trabaho, at yung 'TF' ko eh wala pa. next cut-off pa yata maibibigay. hindi ko tuloy alam kung mas ok ba na magbudget ng sarili (kasama SSS, Philhealth at health insurance) o yung merong kaltas ang sahod dahil sa mga nabanggit na 'miscellaneous fees'.

kahapon eh umuwi kami ng mag-ina ko sa Pampanga. 'breather' lang bago sumabak sa 'gera'. nakausap ko rin si mommy nung sabado. nangumusta lang at nabanggit nya na uuwi daw sya sa december. pag nagkataon, andaming balikbayan sa december. at syempre, kinasasabikan ko ang pag-uwi ng nag-iisa kong ate. siguro kailangan kong lumagare ng 9 na buwan para sa december, medyo may bala ako. hmm...

quick post lang ito.. have to pack-up and go. kailangan maaga sa trabaho ngayon at dapat, looking good (kahit hindi pa ko nakakapagpagupit ng buhok) :)

Saturday, February 26, 2011

State Of The Nation with Jessica Soho

[caption id="attachment_2016" align="alignnone" width="300" caption="State of the Nation with Jessica Soho, Monday to Friday 9PM, GMA News TV 11"][/caption]

eto po yung programang pinagkakaabalahan ko ngayon (at sa paglipat ko ng trabaho). ang inyo pong lingkod ay bahagi ng nasabing programa (sa likod ng camera, syempre). medyo kinakabahan na kami dahil launch date na po namin sa lunes (Feb. 28). sana po ay tangkilikin ninyo ang GMA News TV (na kasabay na ilulunsad na rin sa lunes) at bahagi nga po ang programa namin doon. Ang State Of The Nation with Jessica Soho po ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na ika-9 ng gabi. Ito po ay newscast na medyo may 'twist' dahil layon po namin na maibigay sa mga manonood ang mas malalim na kwento ng bawat balitang itatampok sa programa. meron siyang pagka-public affairs. at sa lunes, buwena mano naming bisita ay sina...

...abangan na lang po ninyo. ;)

------------------------
narito po ang aming OBB:

Friday, February 25, 2011

EDSA Day: 25 Years After

sampung taon na ako nang maganap ang hinangaan ng boung mundo--- ang EDSA 1986 People Power Revolution. bata pa para sa mga isyung panlipunan pero may sapat nang pag-iisip para unawain ang malalaking kaganapan sa bansa nang mga panahong iyon. sa isang sandali ng araw na iyon, napakasarap mabuhay bilang Pilipino. may pagkakaisa at mataas ang naging pagkakilala ng buong mundo sa lahing minamahal ko. "mother of all peaceful revolution" kung ituring ang 1986 People Power ng mga Pilipino at doon nga nalikha ang awiting "Handog ng Pilipino sa Mundo" na sa titik ay may isinasaad: "mapayapang paraan ng pagbabago." para sa akin, nakamit ng 1986 EDSA People Power ang malaking ipinaglaban nito: ang demokrasya. naging malaya ang lahing Pilipino sa diktaduryang pamahalaan at naibalik sa mga mamamayan ang karapatang marinig ng gobyernong namumuno sa mga ito.

maganda sana ang naging simulain ng 1986 EDSA. hindi ko lang matiyak kung nasaan na ang ipinaglaban ng lahi natin dalawampu't limang taon na ang nakalilipas. ilang beses ko na ring nasabi sa aking mga nakakausap tungkol sa paksaing ito na hindi pa tayo handa sa demokrasya. maraming umabuso. at nakakalungkot isipin na tila papalayo tayo sa pag-unlad bilang isang bansa. nawala rin ang "dangal" ng lahi natin sa mata ng ibang bansa. "dangal" na maipagmamalaki natin noong unang panahon at tila wala yatang mahihiyang sabihin kahit kaninuman na "Ako ay Pilipino!". hindi ko sinasabing ikinahihiya ko ang lahi ko. sa katunayan, kahit patung-patong na kontrobersya ang nangyayari sa bansa natin na nahahayag sa lahat ng panig ng mundo, isa pa rin ako sa marami pa rin namang nagsasabi na "I'm still proud to be Filipino." kahit kung minsan ay nakakawalang-pag-asa na ang paulit-ulit na problema sa bansa natin, hindi ko yata kayang talikuran ang lahing patuloy kong minamahal.

dalawampu't limang taon... kumbaga sa isang tao, may edad na ang makasaysayang People Power. Edad na nasa kaniyang kalakasan at kalagayang punung-puno ng pangarap. sa mga kabataang henerasyon ngayon, mahalaga pa ring malaman kung ano talaga ang ipinaglaban natin noong 1986 sa EDSA. bukod pa rito, mahalaga ring maunawaan ng lahat kung ano ba ang nais tahakin ng nagtagumpay na rebolusyon noong nakaraang dalawampu't limang taon, at kung nasaan na tayo sa landas na iyon. sino sa mga nakabahagi sa 1986 EDSA ang makapagsasabi ng tunay na diwa ng "EDSA" at kung ano na ang narating natin simula noong makasaysayang araw na iyon... nang walang halong yabang at kapaimbabawan? sana lang, natuto tayo sa ipinaglaban natin noon sa EDSA. at sana lang, hindi pa huli ang lahat para magising tayong muli para sumulong sa pagkakaisa at itaguyod ang kapakanan ng buong bansa at hindi ng interes lamang ng iilan.

(photo hooked from Ms. Ellen Tordesillas' blog)

Monday, February 21, 2011

Pioneering

It's amusing to note that i'll be part of the pioneer people behind a new project at work. being a pioneer employee isn't very new to me and i must know how hard it is starting on a new project.

some 8 years back, i've become a part of the then-starting (mobile) telecommunication company. the difficulty of competing against the already established two giant telecomm companies has become a big challenge for all of us then. we have to deal with all the odds... including the very few cell sites that we had back then which can only mean weaker signals than the existing telcos. for simulation activities prior to launch date, we had to stay until past midnight in one of our business centers to check on the business center operation procedures--- what we need, what we lack, and what is ok and what are not. those were the days... the mobile telecom company now is reaching new heights and has survived the tough competition. it even made a mark as a trend-setter among other mobile telecom companies. the consumers got the best of it and so i consider that start up as a success.



the next thing i knew, i was being part of a new distribution company which will primarily carry the country's leading contraceptive products. it was a good cause, i thought, and the smaller unit that started the company was a great team. the company has gone a long way too since its humble beginnings and now it has expanded the distribution network and the company acquired new principals/products for distribution. a good five years spent in there, and i needed to move.

now, i'm writing for a new program that'll be launching on the 28th. this may be the busiest week for us. expect sleepless days (and nights?)

Friday, February 18, 2011

alliance

i'm bidding them goodbye... they're offering me a lunch treat... one of the best office buddies that i had... the alliance...



Should old acquaintances be forgotten,
And never brought to mind?
Should old acquaintances be forgotten,
And days of long ago!

For times gone by, my dear
For times gone by,
We will take a cup of kindness yet
For times gone by.

We two have run about the hillsides
And pulled the daisies fine,
But we have wandered many a weary foot
For times gone by.

We two have paddled (waded) in the stream
From noon until dinner time,
But seas between us broad have roared
Since times gone by.

And there is a hand, my trusty friend,
And give us a hand of yours,
And we will take a goodwill drink (of ale)
For times gone by!

And surely you will pay for your pint,
And surely I will pay for mine!
And we will take a cup of kindness yet
For times gone by!

Tuesday, February 15, 2011

TPIR

bata pa lang ako, paborito ko nang game show ang The Price Is Right na noo'y hino-host pa ng sikat at iginagalang na si Bob Barker. natutuwa kase ako sa mga game segments at lalo naman akong natutuwa kapag ako mismo ay nakakahula nang tama sa mga presyo na dapat hulaan sa laro.

isa pang magandang aspeto ng game show na ito, lahat ng audience ay pwedeng maging contestant... hindi mo alam kung matatawag ka. 'ika nga, meron element of surprise. surprise na parang nagbukas lang yung isang "pintuan" ng pa-premyo at sasabihing maaari kang manalo ng "a new car!"

nagkaroon na ng franchise ang palabas na ito dati sa isang local channel dito sa Pinas at nag-host ang isang sikat na singer. flop. pero ngayon, malakas ang pakiramdam ko na mapapatakbo nang maayos ng ABS CBN ang (muli nitong) pag-franchise nila sa game show na ito. iho-host pa ito ng beteranang game show host ng nasabing istasyon.

parang gusto kong sumali. opportunity ulit ito para magkaroon ng "fast money" kung papalarin. kaya lang, ipapalabas siya sa "kabilang bakuran". oh well.

Monday, February 14, 2011

magaling lang mag-project

ang post na ito ay isa na namang pagngi-ngitngit tungkol sa kawalan ng pera. pero para maiba naman (at dahil napakarami ko na yatang "no money rant" sa blog ko na ito)... ibahin natin ang anggulo ng kwento . :P

bakit kaya kapag sinabi kong "wala akong/kaming pera" ay wala ring naniniwala? para bang isang napakalaking krimen ang nasabi ko at hindi talaga mapaniwalaan. meron pa ngang nagsabi sa akin... "kuya, mawalan na ng pera ang banko pero ikaw.. hinde!" --- o, pamatay di ba?!

ganun ba talaga ang husay ko/namin (ni misis) na magtago ng tunay naming kalagayan? pero hindi naman sa pagiging OA, kumakain pa naman kami ng tatlong dalawang beses sa isang araw (skip breakfast, kape na lang) at minsan ako eh hindi na rin nagha-hapunan (by choice). at hindi naman din nauubusan ng diaper at gatas ang aming little girl (number one rule sa amin ngayon yan--- daughter first before parents!). well, it's either artista kaming mag-asawa (magaling umarte at magtago ng tunay naming nararamdaman) o kaya naman eh we just choose to have a positive outlook in life (naks!) i think it's the latter (or pwede ring both, hehehe). wala naman kaseng mangyayari kung magmumukmok kami pareho. pag nagmukmok kami, hindi naman biglang susulpot sa harap namin yung muntik nang hindi napanalunang jackpot sa lotto noon na daan-daang milyong piso! although sa aming dalawa ni wifey, mas siya yung positive thinker kaysa akin. siya yung nagpapaalala sa akin na hindi ko dapat ikalumo ang kawalan ng pera naming mag-asawa.

pero teka... define "walang pera". sabi kase ng isa kong kaibigan, wag ko raw sabihing wala kaming pera dahil hindi naman daw totoo. sabagay, exaj nga namang sabihin yun dahil may pambili naman kami ng pagkain araw-araw (kahit pancit canton lang sa tindahan). actually, kapag sinabi kong "walang pera", ang ibig sabihin nun eh wala kaming panggastos para sa mga kaluhuuan namin... minsan din, hindi namin nababayaran yung mga dapat bayaran sa loob ng isang buwan. at may pagkakataon na kahit kailangan naming mag-asawa ay hindi namin nabibili. kase nga, "wala kaming pera." yun na yun! siguro may kaunting inggit lang kami sa ilang mga kakilala na pabaka-bakasyon kung saan-saan, at pabili-bili ng mga gamit na hindi naman necessary. at pagkatapos ay ibabandila nila sa facebook... hmmm... i-shutdown na lang kaya namin yung mga FB accounts namin? good idea? haha! wag naman. isa na lang yun sa pinaglilibangan namin kapag hindi kami makalabas ng bahay (dahil walang panggastos, hehe).

di bale, bilang bahagi ng aking kampanya na 2011 positivity... yayaman din kami! ;)

Wednesday, February 09, 2011

Lagare

may mga bagay na mahirap ipaliwanag at hindi kayang abutin ng pang-unawa. naks! ang ganda ng pambungad ko ano? masyadong malalim! hahaha! anyway, gusto ko lang mag-update dahil na-pressure ako sa blog link plugging ni gasul na ipinost nya sa FB! so, ano bang update ko? hindi ako masyadong nakakapag-update ng blog dahil yun nga... medyo busy ako ngayon sa paglalaro ng plants vs zombies career shift (naks ulit!) kailangan ko kaseng mag-training na sa bgo kong pinapasukang kumpanya at kasabay nito, kailangan ko rin namang lisanin nang maayos yung iiwanan kong kumpanya. sa madaling sabi, dalawa ang pinapasukan ko ngayon--- umaga sa dating kumpanaya at pagkatapos mananghalian ay tatakbo na ko para pumasok sa bagong kumpanya (kahit ayaw akong payagan ng dating kumpanya na ganun lang ang oras ng pasok ko sa kanila). medyo nalungkot lang ako nang kaunti kase yung maliit kong request sa schedule ay hindi pa mapagbigyan. hindi ko naman kukunin ang upa ng mga oras na hindi ko ipinasok sa kumpanya. kailangan ko lang kase talagang mag-training na sa bagong kumpanyang papasukan ko. ayoko namang umabot pa sa pagkakataon na sabihin ko sa kanila na "mabuti nga pumapasok pa ako para mag turn-over ng trabaho at mag-train ng bagong tao". ay, naku. ayan, nasabi ko tuloy. tsk, tsk... gaya nga ng sinabi ko sa una nitong blog post ko, "may mga bagay na mahirap ipaliwanag at hindi kayang abutin ng pang-unawa." ayun!

sa mas nakakaaliw na update, gusto ko yung bago kong ginagawa. nagsusulat ako ng balita. gumagawa ng lead-in at nagpo-produce ng script ng audio-video na kasama sa isang istorya. hindi nga ako nagkamali--- mass comm nga ako! bago sa akin ang paligid at ang computer program na ginagamit sa pagsusulat pero parang matagal na akong nandun at pamilyar ako sa paligid. iba man ang kultura sa radyo (na una kong pinagtrabahuhan) kumpara sa tv, nakakapag-adjust naman ako. kung tutuusin, sa lahat naman ng bagay ay may adjustment. maswerte rin ako dahil mababait at matulungin naman ang mga "seniors" na kasa-kasama ko sa programa. iba nga lang ang "status" ko sa bagong kumpanya dahil wala ang mga karaniwang benepisyo na nakukuha ng mga regular na empleyado pero sa pagtitimbang-timbang ko ng mga bagay-bagay, hindi na rin naman ako lugi sa talent fee na makukuha ko. yun lang, puro voluntary contributions ang mangyayari ngayon sa akin--- philhealth, sss, at yung health insurance ng pamilya ko. kailangan ko lang lumagare ng todo-todo kung gusto kong medyo makaluwag sa mga bayarin ko buwan-buwan.

yun na!

(PS. anong ginagawa ng solo picture ko sa post na ito? wala lang. para lang magmukhang kagalang-galang) :P

Tuesday, February 08, 2011

currently playing


i know, i know i'm too late on this but i just started it the other day and yeah, it's quite addicting.

Friday, February 04, 2011

Happy Chinese New Year!

today was my last celebration of chinese new year with my colleagues in my present company. seeing the lion dance this morning has made me reminisce the past years of my stay in the company and how the people came and left. anyway, i have filed my resignation letter yesterday morning and at the end of the day, my superior and i together with my colleagues have met to discuss the work dissemination. today i have formalized my request for a change in work schedule as i need to regularly attend the training already in the new company. fortunately, work in the new company starts at mid-afternoon so i have the whole morning until 2 o'clock to work, turn-over duties, and train new person in the company i'll be leaving. right now, i'm still getting the feel of the changes. its an adjustment but everything should be all right in a few weeks time.

i'm loving the new environment. i have started training this week already and doing old-new things again perks me up. now i'm surrounded by the news personalities i only see on TV. people are friendly. and i'm eager to learn fast. tonight i also met (again) a good friend, reporter and award-winning director Cesar Apolinario inside the newsroom. he saw me glued on the computer monitor when he shouted my name and my trainer and i had to pause and talk to him and how the three of us knew each other. also earlier before i stayed in the newsroom, erick & i saw each other outside and he informed me of a new "raket". yay! i hope this pushes through. we really need the dough since my income is on hold for at least a month.

anyway, it's literally a new year for me, career-wise. while i don't believe in fortune-telling on what "luck" is brought by the metal rabbit to all the other signs, i just look forward to one luck--- BEST LUCK!

HAPPY NEW YEAR! ;)

Related Posts with Thumbnails