Saturday, August 28, 2010

my playlist

(in shuffle mode)
. . .
Passenger Seat Stephen Speaks
Wake Me Up When September Ends Greenday
It's Gonna Make Sense MLTR
Lost In Space Light House Family
Sorry Seems To Be The Hardest Word Blue
If You're Not The One (Acoustic) Daniel Bedingfield
Parting Time Rockstar
Best In Me Blue
Heaven Knows Orange and Lemons
Last Flight Out Plus One
21 Guns Greenday
Closer Travis
Love Is All Around Wet Wet Wet
The Reason Hoobastank
Someday MLTR
No Promises Shayne Ward
. . .

Wednesday, August 25, 2010

101 (age-revealing) Trivia

1. ang unang kanta na natutunan kong kantahin ay Ebony & Ivory ni Paul McCartney.
2. ang unang kanta naman na pinerform ko sa paaralan ay ang kantang The Search Is Over ng Survivor.
3. nanalo kami ng kaklase kong si Maridel sa duet-singing competition nung high school. 3rd place nga lang at isang trophy lang ang award. ayun, nasa kanya yung nag-iisang trophy na yun.
4. nase-senti ako sa kantang The First Time ng Surface. Kung curious ka kung ano'ng kanta yun, eto:



5. pinagawa kami ng song card noong high school bilang project namin sa Art, at ang pinagdiskitahan kong gawing song card ay ang kantang Kahit May Mahal Ka Nang Iba ni Wendell.
6. sobrang saya ko nang una akong makapanood ng LIVE PBA game sa ULTRA. San Miguel vs Shell, rookie pa lang si Benjie Paras.
7. sa aming magpipinsan, ako si Blue 3 sa Bioman.
8. inaabangan ko linggo-linggo ang Pinoy Thriller.
9. naaliw ako sa iba't-ibang kulay ni Voltron. tignan nyo rito.
10. alam kong si Tandang Sora (Melchora Aquino) ang tao sa hugis-bulaklak na 5 sentimo, at si Lapu-Lapu naman ang bida sa parisukat na mamera.
11. paborito ko ang Bakal Boys at natutuwa ako kapag natatalo nila ang Smokey Mountain Brothers.
12. hindi ko pinag-iisipan ng masama ang samahang Shaider-Annie. Pero nagtataka ako kung bakit sa kabila ng napaka-iksing suot ni Annie eh panay pa rin ang tumbling nito. may nakikita ba kayo rito:




13. nagpadala sa akin ng personal email ang song artist na si Archie D. dahil sa paghahanap ko ng single nya na Mahal Na Mahal. July 5, 2008 ang petsa sa inbox ko.
14. kinasasabikan kong panoorin ang Yakult Roleta ng Kapalaran... "Letter Y, Letter Y, Letter Waaaaaaahhhyyy!!!..." tatlong beses ito sa isang episode ng Family Kuarta O Kahon.
15. Speaking of Family Kuarta O Kahon, nakapanood na ako ng LIVE show nito sa Entertaiment Stage (meron pa ba nito ngayon?) ng SM North Edsa, at pagkatapos ng show ay nilapitan at hinawakan ko ang kinaaaliwang Yakult Roleta Ng Kapalaran.
16. kumanta ako ng sintunado sa isang grade school pageant bilang intermission number. ang salarin...ang minus one ng kantang Lovers In The Wind na puro 2nd voice. yun ang katapusan ng solo singing career ko. (dapat kinanta ko na lang yung walang kamatayang The Search Is Over, perfect ko pa sana)
17. pinakagusto kong moment nung elementary ako ay yung susunduin na kami ng school bus pauwi. andami kaseng tinda nung kundoktor namin sa bus... lagi kong inuutang binibili ay turon at isang basong orange juice.
18. sa school bus pa rin, nag-uunahan kaming umupo sa likuran kapag dadaan na sa may bahagi ng Roces Ave. sa quezon city. meron kaseng parang rampa ang isang bahagi ng daan dun kaya parang nasa roller coaster lang ang pakiramdam kapag umangat yung likurang bahagi ng bus.
19. kami ng ate ko ang unang sinusundo ng school bus. wala pang araw kaya antok na antok ako lagi.
20. mahilig kaming umarkila ng betamax ng pinsan kong si Bernie sa palengke. karaniwang hinihiram namin--- Summer Slam 88 (kung saan nagtanggal ng skirt si Elizabeth), Wrestlemania 3 (Hulk Hogan vs Andre The Giant ang main Event), at Royal Rumble episodes ng (dating) WWF.

photo of Ms. Elizabeth after the main event of SummerSlam '88. photo courtesy of Wikipedia


21. sa kasabikang maglaro ng water gun noong pre-school years ko, napaso ang putotoy ko ng mainit na tubig na isasalin sana sa pampaligo ko.
22. ang pangalan ng kindergarten crush ko ay si Arlet.
23. meron akong biniling class picture na wala ako sa larawan dahil absent ako nung picture-taking.
24. may kaisa-isa akong kabatch nung high school na kapangalan ko. namatay pa sya nung high school din kami.
25. may malaking poster si Voltes V sa kwarto namin noon. Takot na takot ako kaya tinaggal ng tatay ko.
26. noong naniniwala pa ako kay Santa Claus, tuwang-tuwa ako nang ang medyas na sinabit ko ay nagkaroon ng laman na de-bateryang robot kinabukasan. eto sya:



27. sa buong panahon ng pagiging mag-aaral ko, 5 paaralan ang nilipatan ko. 3 rito ay nung nasa elementarya pa lang ako.
28. hindi ako na-guidance ni minsan sa buong buhay mag-aaral ko.
29. naglalaro kami ng mga kaklase ko ng agawang base tuwing lunch break sa open field ng school.
30. gusto ko ang amoy ng bagong-tabas na damo.
31. nanghuhuli kami ng tutubing-kalabaw sa open field ng school sa pamamagitan ng paghagis ng ruler sa himpapawid.
32. natatakot kami sa isang matandang pari na lumilibot sa campus at may dala-dalang malaking rosaryo na nakasinturon sa baywang niya.
33. tumitigil kami sa paglalakad kapag tumunog ang orasyon sa school.
34. patok na patok ang halloween episode ng Magandang Gabi Bayan ni kabayang Noli at inaabangan naming magpipinsan ito.
35. huli kong binabasa ang Niknok tuwing may bago akong Funny Komiks. pangalawa sa huli lang ang Planet Opdi Eyps.
36. naranasan kong magdikit ng campaign posters ni dating senador Ting Paterno sa kalye gamit ang gawgaw nang kumandidato sya sa ilalim ng tiket ni dating pangulong Cory.
37. kinabahan ako matapos makapagsend ng "erap joke" sa numero ni senador enrile nang biglang magreply ang huli na "hu u?"
38. inaabangan ko lagi sa Panorama ang Slice Of Life ni Larry Alcala.

from Slice of Life Gallery, LarryAlcala dot com
39. gusto ko ang "freedom" na nararamdaman kapag boxers lang ang suot.
40. mas kumportable akong magsuot ng slack pants kaysa jeans.
41. nangongolekta ako ng campaign bookmark give-aways ng mga tumatakbo sa student council.
42. nagbebenta ng yema sa klase ang titser namin nung grade 3. madalang akong bumili.
43. ibinibili ko ng menudo ang aso namin para sa tanghalian pagkagaling ko ng school.
44. hinahabol ko ang Mara Clara pagkatapos ng klase. minsan, inaabot ko pa ang Anna Luna kapag maaga akong nakauwi.
45. iniyakan ko ang aso namin habang naghuhukay ng libingan nya sa bakuran namin nang ito'y mamatay.
46. dinedicate ko sa aso namin ang kantang Tears In Heaven.
47. kapag 4:30 na, AngTV naaaaaa!
48. hindi ko nami-miss panoorin ang Hoy, Gising!
49. naaaliw ako sa satire-sitcom na Abangan Ang Susunod Na Kabanata. Parang blog lang ni Professional Heckler na binigyang-buhay sa telebisyon. :D
50. ang baon kong inumin sa school noong kinder hanggang grade 1 ay Hi-C Orange, Hi-C Mango, Hi-C Grapes, at Yakult. Isa lang nyan sa isang araw. Nasaan na kaya ang Hi-C?
51. iniisip ko na madaya ang final round ng One Million Dollar Chance Of A Lifetime.



52. pangarap ko noon na makasali sa game show na The Price Is Right at manalo ng... "a new car!" hanggang ngayon, pangarap ko pa rin makapaglaro dun.
53. noong bata pa ako, gusto kong maging lawyer paglaki ko.
54. natutuwa ako pag may natatalong Gladiator sa American Gladiator.
55. naiinis ako kapag dinadaya ang T-Birds sa Roller Superstars.
56. nakanganga ako tuwing mapapanood ang introduction/opening scene ng CHIPS.
57. mabango pa ang amoy ng mansanas noon.
58. kinasasabikan kong manood ng xmas show sa COD - Cubao.

photo courtesy of theurbanroamer.com
59. nagtaxi kaming pamilya noon mula quezon city hanggang pampanga sa halagang 100 pesos lang. kontrata pa yun. hindi naka metro.
60. nagkikiskis kaming magpipinsan ng styrofoam sa pader para magkaro'n ng "snow".
61. nagtitinda kami ng bunga ng kamias sa bahay ng lola ko... fresh na fresh from the tree! kami lang sa buong street ang may puno ng kamias.
62. nagkaroon ako ng isang pares ng Mighty Kid.
63. unang commercial ice cream na natikman ko ay ang Coney Island bubble gum flavor.
64. tinitignan ko ang serial number ng tube ng Pepsodent.
65. natutuwa ako sa kulay ng Ola (detergent bar soap).
66. gumagamit ako ng Perla White pang-hilamos sa mukha ko noong high school.
67. may picture ako nung 4 years old ako na naliligo sa kalye, hubo't hubad.
68. kinukuha ko ang statistics ng laro naming magpipinsan sa Double Dribble... kumpleto: points, rebound, assist, freethrow, slam dunk, three-point shot, at win-loss record.



69. nag-iipon ako noong elementary ng Mr. Clean wrappers dahil may paramihan kami na requirement sa school. dismayado ang labandera dahil madali raw matunaw at yun lagi ang binibili namin *teehee* :D
70. nag-breed kami dati ng kuhol.
71. sabay-sabay kaming naliligo ng mga pinsan ko nung elementary pa kami.
72. nahuli ako ng boss ko dati na nagtatatalon sa tuwa nang umalis siya--- bigla kaseng bumalik, may nalimutang dalhin na nasa kwarto nya.
73. nasarhan ako sa loob ng bank vault, akala ko katapusan ko na. marami ngang pera, paunti nang paunti naman ang oxygen... wala rin. :P
74. sexy para sa akin ang babaeng naka maong shorts... yung parang ginupit-gupit lang na jeans. :D
75. sa That's Entertainment - Saturday Edition ko natutuhan na pwede palang mag-effort na maging maganda ang mga production numbers kapag may competition... at prize syempre.
76. hindi pa rin bagay ang tambalang Romnick-Sheryl. matangkad yung babae para kay lalaki.
77. mas may sense mag showbiz balita ang namayapang si Inday Badiday kaysa kay Cristy Fermin. opinyon ko lang yan.
78. ipinagpapalagay ko na astig ang pelikulang Coming To America.

Eddie Murphy (right) in 1988
79. naa-astigan din ako sa pelikulang Passenger 57.
80. mas gusto ko yung Under Siege part 1 kaysa part 2 starring Steven Seagal.
81. napanood ko ang Rocky 1 to 5. Pinaka-maganda para sa akin yung part 4.
82. kahit mahirap pumasok kapag linggo, nag-enjoy ako sa ROTC kasama ng UST Golden Corps of Cadets.
83. paborito kong de lata ang Century Tuna (flakes in vegetable oil with omega 3) :D
84. na-appreciate ko ang Filipiniana songs dahil sa new era glee club.
85. feeling celebrity noong miyembro pa ng new era glee club. may mga nagpapa-autograph sa amin. SERYOSO.
86. kahawig ko noong college ako si Gio Alvarez, sabi ng maraming nakakakilala sa akin.
87. pero nung high school, ayon sa mga kaklase ko, kahawig ko si Doogie Howser.
88. nagrerecording kami ng mga pinsan ko ng version namin ng Humanap Ka Ng Panget, gamit ang portable keyboard.
89. pinakagusto kong single ni Andrew E. ay yung "Mahal Kita"
90. may isa pa akong paboritong pakinggan sa mga singles ni Andrew E. nung kasikatan niya--- Mas Gusto Mo Siya. kanta yata ito ng mga sawi sa pag-ibig.
91. nainis ako nang una kong marinig yung Maganda Ang Piliin ni Michael V. pakiramdam ko, sumakay lang sya sa popularidad noon ni Andrew E.
92. kaklase ko sa Humanities (subject) si Gladys Reyes. mabait sa tunay na buhay ang magaling na kontrabida sa telebisyon.
93. nangongolekta ako ng BAZOOKA JOE comics noon, paramihan kami ng mga kaklase ko, minsan trade-in pa pag may doble kang kopya.
94. patok na patok sa akin ang Tropang Trumpo.


95. para sa akin, cute si tweetie de leon bilang Faye sa Ok Ka, fairy ko.
96. comedy ang unang-unang drama series ni Kris Aquino sa telebisyon, ang "Kris at 18".
97. natutuwa akong panoorin ang Sic O' Closk News, tampok si Jaime Fabregas.
98. pari ang role ko sa isang school play nung grade 5.
99. sikat moment nung nag-perform kami sa EAC bilang baguhang boyband. sad to say, hindi nagtuloy-tuloy ang gigs namin. ang pangalan sana ng aming samahan--- NORTH.
100. sa mga hindi pa nakakaalam, na-ambush interview kami ni wifey bago kami ikasal nung 2008, para sa primetime news. at ni-replay pa yung interview nang dalawang beses sa magkaibang news program. *kahiya moment*
101. meron akong natutulog na formspring account. kung may gusto kayong itanong sa akin anything under the sun, punta na kayo doon. ;)

yun lang! :P

Tuesday, August 24, 2010

Philippines Positivity Post

Go, Bb. Pilipinas-Universe, Venus Raj! Make us real proud! ;)



(photo credit: current movie reviews dot com)

Saturday, August 21, 2010

Mamatay Ka Sa Sarap!

hindi ako sporty. hindi ako mahilig mag-exercise (na pwede namang makuha sa paggawa ng ilang mga bagay-bagay). piling gulay lang ang kinakain ko. uhm... kangkong. sitaw. okra. talbos ng kamote. kalabasa (gulay ba ito o prutas?) gabi (gulay ba ito o prutas?) kamatis (eto prutas ito). amplaya. sigarilyas. pechay. uhm... pansin nyo? lahat yata ng nabanggit ko eh pansahog sa sinigang, maliban sa ampalaya at kalabasa. :P ok, tuloy natin ang pakay nitong blog post na ito... hinanap-hanap ko kase nung isang araw pa yung dating pagkain na gawa ng Jack N Jill, yung Nuts and Pops. isa yun sa mga paborito kong kainin nung bata pa ako at kahit saang tindahan ko hanapin ngayon yun, wala na. naisip ko tuloy mag-post ng isang paksa tungkol sa aking mga "comfort food". ang mga ito ay karaniwan kong hinahanap at malimit na hindi nawawala sa aming grocery cart kapag may pagkakataon kaming magpunta sa supermarket ni wifey. anu-ano ba ang mga "comfort food" kong maituturing?

Salted peanut with fried garlic. eto ang pinakagusto kong nginangata kapag nanonood ng TV. ayon sa healthcastle dot com, mayaman sa calories at (healthy) fats ang mani. isa rin ito sa mabuting pagkukunan ng protina. bukod dito, mayaman sin sa fiber at antioxidant ang mani. sinabi pa ng website na nabanggit, napag-alaman ng mga mananaliksik na ang mga taong regular na kumakain ng mani ay may mababang pagkakataon na magkaroon ng sakit sa puso. samantala, ayon naman sa homeremediesweb dot com, may pakinabang din sa kalusugan ang pagkain ng bawang. ayon sa pag-aaral, ang regular na pagkain ng bawang ay makakatulong sa pagpapababa ng blood pressure, pag-control ng blood sugar at blood cholesterol, at pinasisigla nito ang ating immune system.

kape. ito ang aking comfort drink. pero gaya ng nakalalasing na inumin, dapat ding limitahan ang pag-inom nito sa loob ng isang araw. sa ngayon, tama sa sa akin ang daalwang tasa ng kape sa loob ng isang araw. kapag tatlo, dapat ay decaf na ang pangatlong tasang iinumin ko para naman maiwasan ko ang pakiramdam ng palpitation. nabanggit ko na sa post na ito kung anu-ano ang benepisyong makukuha ng isang mahilig uminom ng kape.

guapple. paborito kong comfort food itong prutas na ito (mahal kase ang mangga.) una akong nakatikim (at namangha) sa "gigantic" bayabas na ito noong kabataan ko nang kami ay tumira sa Bacolod City. tulad ng karaniwan na nating alam, ang fresh guava ay mayaman sa bitamina C. ang wastong produksyon at iba pang impormasyon ukol sa masarap na prutas na ito ay tinalakay sa pahinang ito ng Department of Agriculture.

caramel popcorn. oo, parang bata lang. pero gusto ko talaga ang lasa ng caramel popcorn. nawala lang kase sa produksyon ng Jack N Jill yung Nuts N Pops pero dun ako nagsimulang "umibig" sa sweet popcorn. tapos natikman ko yung caramel popcorn ng Glodilocks, panalo! pero syempre dahil may kamahalan ng kaunti at bilang comfort food lang naman, solb na ko sa Oishi Caramel Popcorn. ok din sa akin yung manamis-alat na Holy Kettle Korn.

anuman ang inyong comfort food, gaano man sabihin sa pananaliksik kung gaano ito 'kabuti' sa ating kalusugan, hindi pa rin mainam ang labis. ayon nga sa kasabihan, "lahat ng sobra ay masama." ayon pa rin sa motto ng mga inuming nakalalasing, "drink moderately" --- na pwede na rin nating i-translate sa "take it moderately." at least, kahit sandali lang, na-satisfy nito ang cravings mo. kapag lumabis, maaari rin itong makasama sa ating kalusugan at kung hindi pa ito pipigilan, baka magkasakit pa tayo. pero di ba, kung tayo man ay mamamatay, mabuti na yung mamatay sa sarap, kaysa hirap? :P

Monday, August 16, 2010

thinking...

isn't it funny how day by day nothing changes,
but when you look back...

everything is different?

(04-07, 2007)

Saturday, August 14, 2010

sorpresa!


parating na mamaya ang bago naming baby!

Friday, August 13, 2010

Friday The 13th Ngayon

Bata pa lang ako, naisalin na ng sabi-sabi ang ukol sa 'hiwaga' (kung hiwaga mang maituturing iyon) ng Friday the 13th. Ayon sa mga ninuno, kapag ang petsang trese ay tumapat sa araw ng Biyernes (na pinaniniwalaang araw ng kamatayan ng Kristo) ay dadatnan ka ng kamalasan sa anumang gawain mo sa maghapon. Hindi naman binanggit ng mga ninuno na bawal maligo kapag Friday The 13th kaya naligo ako kanina. :P Sa totoo lang, bilang bata, exciting maniwala sa ganitong mga pamahiin. pero habang lumilipas ang mga taon at ako'y nagkaka-edad, iniwan ko na ang paniniwala sa gayon. kaya, kahit umungol pa ang mga aso sa gabi ng Friday the 13th at mag-amoy dama de noche ang paligid, hindi ako matatakot. :D

naikwento ko na rin sa blog kong ito na dumarating din sa akin ang kamalasan. hindi nga lang tuwing Friday the 13th. tulad noong isang pagkakataon na sunud-sunod ang kamalasang dumating sa akin sa loob lamang ng isang araw! narito ang kwento tungkol doon: Series Of Unfortunate Events. pagkatapos, kapag minalas-malas ka pa, mapapatanong ka na lang kung bakit kapag may kamalasang dumarating sa iyo, bakit nga ba sunud-sunod? tulad ulit nitong nangyari dito: Ranting Days Must Be Over.

pero dahil nga sa Friday the 13th ang subject sa blog post na ito, nakatutuwang isipin na dalawa sa kamalasang naitala ko sa blog na ito mula pa noong nagkaroon ako ng blog, ay naganap, hindi kapag Friday the 13th kundi sa sumunod na araw: Saturday the 14th (part 1); at Saturday the 14th (part 2).

paano naman ako maniniwala sa Friday the 13th nyan? :D

the night's journey

the other night i had a dream. it wasn't a very pleasant dream. i dreamed that a friend died and the scene where i am at is right there in his funeral. the sight of people sobbing from a certain distance seems to be a familiar dream scenery. like any other dreams, the sequence of that dream was disorganized. but the feeling of being there makes me feel like it's not a dream at all.

i was sadden. i only came to know this friend of mine recently. being a prominent TV news reporter and an accomplished film maker, i never knew that i'd be friends with him in person. we even had the chance to share a few conversation over cups of coffee. many of his colleagues value his existence, and his contribution to the world of independent films--- his other passion. a loving and responsible man of his family, he doesn't deserve to leave... yet (as eventually all of us will).

it seems so real. so real that upon waking up, i struggled a few minutes to recall when was the last time i communicated with him, either through SMS, micro-blogging or through that popular social networking site. finally, i realized it was just a dream. a bad dream. and this was confirmed when he replied candidly to a 'hello' text message i sent.

didn't know that prominent public figures can be real-life friends, even if your "worlds" are different from each other. perhaps it's something to prove that people we see on tv screens can be real, too.

Tuesday, August 10, 2010

daddy saviour!

i'm a bit excited for this week. i might get (finally) my first-ever owned car... with dad's help, of course. dad has been a life saver for me. i remember twitting a long time ago how dad is like to me. :D anyway, he constantly helps me with our utility bills (read: MERALCO). that is a BIG help for me! he insists on providing diapers for his apo, and whenever i raise the SOS flag, he's always ready to give me a hand. just last sunday, he was proposing to us (wifey & i) to celebrate our wedding anniversary by having dinner somewhere, but knowing our "priorities" *ehem* we told him that we would skip dinner in lieu of the more-important "replenishment of household stocks". and so this twit. yep, he paid for our grocery! much love! after rounding our needs, i proposed to treat my dad in a coffee shop nearby so i gave wifey the limited money i had on my pocket and asked them to go ahead to the coffee shop while i take the grocery bags in the car. when i went to the coffee shop, i was surrised to see a couple of pastries on the table with each of us having a drink already, knowing i only gave her enough money for 3 drinks. wifey handed me back the money and told me that dad (again) gave the treat. "well, it's your anniversary. just keep your money and make use of it on other things," dad said. my mind tells me that it's another way of saying "keep your much-needed money. you're very poor already to spend on flavoured coffees such as these." LOL. :P on a note-worthy matter, our little aya surprised us all when she sipped a chocolate chip drink using the straw. she sure is a fast-learner. now she can enjoy drinking coffee with her mom and dad. hahaha!

anyway, i'm thankful i have my dad whenever i need him. we don't live in one roof and he's two provinces away but yeah, his fatherly duties aren't compromised by the distance. don't get me wrong by this blog post. he doesn't provide material needs ONLY. his advices and opinions on matters i'm a newbie at count most. charge it to experience.

this is not a father's day post nor a birthday tribute post to my dad. but surely, he knows how to be a great dad not only to me but to my sibling as well. and yes someday, i want to be like the father that he is.

[caption id="attachment_1610" align="alignnone" width="300" caption="a picture of lolo daddy patiently taking care of his apo, while wifey & i do our rounds. taken last august 8, 2010."][/caption]

Sunday, August 08, 2010

happy two years! :)

Friday, August 06, 2010

a week after

didn't realize that a week has already passed. some 'developments' since my last post, we already got this SUN Broadband bundled with my wifey's SUN mobile plan. her mobile plan got so valuable that our wireless landline is also bundled with it. computing, we are now paying less than 500 pesos from our previous landline-DSL-mobile monthly subscription combined. we felt we needed to have net access at home since it's our instant connection to the 'outside' world. even if this broadband subscription is a little slower than our previous DSL connection, it has its advantages. one thing, we can bring it with us anywhere there's a SUN broadband signal (as of to date, SUN broadband is offered only in Metro Manila). soon, we can bring it practically anywhere. on another note, i've labeled myself as "CB"--- initials for commuter boy. i've been transferring from tricycles to jeepneys to buses on my way to and from work. the only thing advantageous about this is i don't have to worry about parking and when traffic's heavy, i can sleep during the trips. of course, it's a great woe commuting during heavy rains and worse, during flood times. in line with this, i'm courting my dad to help me in financing a brand new downgraded small cheap car in replacement to the big van we sold at a good price. i now see a car as a necessity. when i was single, i can do without it but it's a whole different story now that we have our little aya with us. i know many parents can do without a private vehicle and go on with their daily lives but given the chance to own one, why not? so, the money we got from selling the van serves as a downpayment for whatever i'm planning to get. canvassing the most affordable car from toyota to honda to hyundai, it's a bit heartbreaking to realize that i can not afford owning what i want. so perhaps i can just settle for what i need. i was considering getting a 2nd hand car but recalling Ondoy, i scratched the idea.

i've been busy with a few things lately. this comes with a great hope that something good comes up very soon. meanwhile, i'm concluding my first blog post for August...

Related Posts with Thumbnails