Friday, August 31, 2007

TGIF

pang-ilan na nga bang beses kong ginamit itong pamagat na ito sa blog entry ko? hmm... di ko na mabilang. siguro isa lang itong hudyat na talagang nasasabik ako sa weekend dahil sa "stress" sa trabaho. sana hilahing mabilis ang mga oras sa araw na ito, at bumagal na lang ulit pagdating ng alas sais ng gabi.

- - - - - - - - - - - -

eniwey, narito ang mga nakatakda kong gawin sa opisina ngayon:

> mag-fax ng order referrals
> gumawa ng mga P.O.
> mag-receive ng stocks galing sa TNT
> mag-encode ng delivery report sa order summary
> mag-follow-up ng bayad ng mga distributors
> mag-follow-up ng mga pasaway na hindi pa nagpi-P.O.
> mag-fax ng P.O.
> mag-print ng mga bagong order referrals
> mag-fax ng order referrals
> mag-follow-up ng status ng order referrals
> mag-update ng order referrals status report
> tawagan si Yolly ng Ohana
> mangulit na dagdagan ang P.O.
> pagtaguan si Judit
> tawagan si Ford para sa deliveries ng stocks
> i-check ang mga nabayarang CWO
> makipag-usap at ma-high blood kay bodj
> MAG-KAPE
> i-follow-up ang mga distributors ni joe
> sumagot ng mga inquiries, order requests, at mga katangahang tawag sa telepono
> pagtaguan ang mga sumusunod: jayjay, jun c., mike s. (kung nandito na)
> i-follow-up kay modesto ang memo sa price increase ng EZ Jel
> kumolekta ng anim na milyon sa Mercury
> magpa-counter sa Mercury
> tawagan ang mga pasaway na maghahabol ng P.O.
> i-update si kerwin sa performance ng key accounts
> mag-update ng order summary report
> mag-email sa lahat tungkol sa month-end order summary
> kulitin ang mga bossing na magpameryenda ng Go Nuts Donut
> tumakas nang mabilis palabas ng opisina, pagkatapos na pagkatapos ng lahat ng ito.

*mga pending na dapat kong matapos:

1. inventory ng in-house at SDT stocks
2. summary report ng order referrals
3. status ng order referrals
4. "paglilinis" ng lahat ng pending returned stocks for replacement.


haayyy... sino ngayon ang hindi mapapa-TGIF! ?

Monday, August 27, 2007

"heroes" day

today has been proclaimed as a special non-working holiday by the Philippine government in connection with the observance of National Heroes Day which falls every last Sunday of August. While many Filipinos, especially students, are delighted with the proclamation of holidays, it might be interesting to note why there is a need to observe this occasion. According to this source, http://www.lutongbahay.com, i quote:

"In any human society there is a universal tendency to seek among its members a person of especially desirable qualities. These qualities — such as bravery, fortitude in times of adversity, and willingness to sacrifice their lives for the benefit of the greater good — are considered highly laudable. Individuals who have demonstrated these qualities are considered very special and are sometimes considered as heroes. As heroes, they are remembered by their community and to some extent, by the entire country, giving birth to the term, national hero."

"We should know our heroes not only to honor them, but also to emulate them as symbols and as a source of inspiration."

- end of quote -

as for me, we also have the modern-day heroes--- the people we do not read on history books, the people who are still living with us, the people who sacrifice for others. they are the people who deny themselves to give priority to the needs of others. people who make difference. there are a lot of Filipino heroes out there. we just need to appreciate them.

- - - - - - - - - - - -

speaking of heroes, remember the first time i introduced roger in this blog? here's the link of it: reason behind the ranting. well, i now consider him (Roger) as one of my "heroes" in our office. hero in this definition: —Synonyms 2. distinction, note, eminence, stardom.

well, with the stressful load of work in the office, heroes like Roger come in handy whenever you need to unwind. just like last week. after a long (weekly) meeting, my officemates and i rushed to the pantry to take our lunch as it was past 130pm already. then i was looking for the vinegar. an officemate released a chuckle and asked her why. she recalled: "Si Roger.. pinabili ko ng suka tinatanong ba naman ako kung ano raw flavor." bwahahaha... that made me laugh. seriously. Roger was asking what vinegar flavor to buy. i jokingly suggested to my officemate that she should have told him to buy vinegar-calamansi flavor. lol.

the next day, after taking a break from all the order referrals that is eating up our MS Outlook inbox, i went to the lavatory to wash my face. i saw Roger standing just in front of the mirror, holding an aerosol, he was looking left and right in the air. i spoke, "wow ang bango ah. nakakamatay ang amoy ng lysol ang tapang. anong ginagawa mo dyan, para kang may gegerahin?" he blurted out, "andaming lamok eh.." ngek! he's making the lysol as mosquito killer! i told him "eh! hindi naman baygon yan, adik!" he smiled and went away, taking the lysol with him. tsk, tsk... Roger is a good boy. and having him in the office gives us joy and the much-needed "break" from all the monotony of work in a busy work day. he's a life-saver. a hero. :P

- - - - - - - - - - - -

mom and dad just had their immigration application approved and will fly over to Canada on February 2008, the latest. After a long wait to their sponsorship immigrant status, they have finally been issued their immigrant VISA last Thursday. Dad texted me the news and i immediately told mom. then i called dad to discuss further and encouraged him to pursue the trip which they are longing. after a few minutes of talking both to my mom and dad about the said development over the phone, i reflected about the coming months, and the following year to come. i'd be alone and independent. well, at least for as long as i am a bachelor. i've been thinking... since high school i've been longing for that independence, thinking how life will be if i'm living on my own, away from my immediate family. only now it's gonna happen. but i wasn't used to it. it's always comforting to have an immediate relative, much more a family, to just be around you whenever you need them. not only when you need them but whenever you feel like being with them. my sister first migrated to Canada five years ago (wow, that was fast--- we were there for the first time of our lives, too) and now my parents are following. i wouldn't want to think about the many "adjustments" so much so for now i'd like to live my life one day at a time. and once again i have validated this quote: "change is the only permanent thing in this world."

Monday, August 20, 2007

some good things come to an end :(

it has always been a beauty waking up in the morning knowing that you'll be starting the day with your loved one. you'll go to work together, spend lunch together, call each other at break time, breathe to each other your career rants, spend a few time together after office and unwind from the day's work, then travel back home together. then you'll call it a day. it has been your routine since 15 months back. and suddenly it will come to an end.

the day after she'll leave me, it will not be the same again. it will all be different. and it's going to be a sad, sad day.

Saturday, August 18, 2007

har har har

maulan pa rin at makulimlim ang kalangitan. parang isang nilalang na nasawi sa pag-ibig at di mapigilang lumuha. gayunpaman, hindi nito mapipigilan ang pag-alis ko sa bahay. may wedding event kase sa Mega Trade Hall ngayon (hanggang bukas) at kasama sa participants ang The SPA, kung saan ay Marketing Associate ang aking butihing katipan. Siya at isa pang kasamahan ang nag-ayos ng booth doon kahapon. At ngayon, papasyal kami doon hindi upang magtrabaho siya kundi upang saksihan ang iba pang booths na kasali rin sa event, at marahil ay makapili ng magandang deals na amin namang maaaring gamitin para sa susunod na taon, sa pinakamahalagang okasyon ng buhay namin (sa kapahintulutan ng Ama, syempre). *hmm... tumigil sa pagluha ang kalangitan*

- - - - - - - - - - -

bakit kaya sa dinami-dami ng pinaglumaang damit, napili pa ni inay na gamitin ang mga lumang underwears ni itay para gawing basahan? yakk..



DISCLAIMER: hindi akin yang mga yan. boxers lang ang sinusuot ko araw-araw. :P

Friday, August 17, 2007

respecting the "public servants"

(this is a TAGLISH entry)

Respect. It is not asked for. It is earned.

In my childhood years, i recall my dad telling me what these public servants do for the people. Kailanman ay hindi niya binanggit sa akin ang mga palpak nitong operasyon, mga corrupt practices o ang pag-abuso sa kapangyarihan. Basta ipinaliwanag niya sa akin kung bakit may pulis, anong ginagawa ng mga bumbero, bakit may Metro Aides, sino ang gumagawa ng mga batas at nagpapatupad nito.. as i grew up, i realized that there were things unrevealed. may mga bagay na hindi nasabi o sadyang hindi sinabi sa akin ng tatay ko.

just recently, we had another weather forecast from the Philippine Atmospheric Geophysical & Astronomical Services Administration, more popularly known as PAG-ASA. School kids of today would say, "naku, walang kapag-a-pag-asa yang PAG-ASA. palpak na naman ang forecast. super typhoon eh tirik na tirik ang araw! sayang ang suspension ng klase!"--- na akala mo naman ay talagang gustung-gustong pumasok sa paaralan. tapos, nakikita ko na ang ilan (o karamihan na yata) sa mga pulis ay naging ugali na ang pangongotong. dito lang sa lugar namin, pagpatak ng isang oras ng gabi, nakapwesto na sila sa magkabilang intersection sa kahabaan ng isang kalyeng kapangalan ng dating mayor ng bayan namin. nandun lang sila nagmamasid... police visibility? in a way it is but when you observe closely, nandun sila nakapondo sa kalsada, tanaw na tanaw ang police vehicle, dalawang naka-unipormeng asul at panaka-naka ay umaabot ng kung anong hindi mo mawari mula sa isang cigarette vendor o barker ng mga pampasaherong jeep na nagsasakay sa NO LOADING / NO UNLOADING ZONE. halos magsara ang kalsada sa pila-pilang sasakyan na sakop hanggang lagpas kalahati ng kalye. may pulis. nakatanaw. nakaabang. pagkatapos, ano pa?

may pagkakataon na nag-commute ako sa nasabing lugar pauwi, mga ganung oras din ng gabi. pumunta ako sa loading zone at after ten years, hindi pa rin ako makasakay. the jeepneys are all waiting in the NO LOADING zone. do i have a choice? i went to the NO LOADING zone and right then and there, i saw a blue-uniformed cop reaching out his hand to the jeepney barker who handed out some bills--- out in the open! luminga ako at nasa likod lang namin ang malaking sign board na "BAWAL ANG KOTONG DITO". punyemas! oo. kitang-kita ko yun. sayang nga lamang at wala ako sa medyo kubling lugar at kinuhanan ko sana ng video yung eksenang yun sa pamamagitan ng dati kong Nokia 6610i.

the OP-established MMDA is sadly inheriting some of the bad habit of these cops. meron na ring mga MMDA traffic enforcers na basta ka na lang patatabihin, bibigyan ng kung anu-anong violation at kunwa'y magtitiket pero napakatagal magsulat sa tiket. maybe they're waiting for something. ilang beses na rin akong pinatabi sa kalsada at kinausap at sinabihang nag violate ako sa pagmamaneho. "Swerving" = reckless driving.

sabi ng karamihan, usad-pagong daw ang justice system sa bansa. this may be a graver misfortune for the common citizens. sila na ang naapi at nagpakagastos para ipaglaban ang karapatan, sila pa ang napagkaitan. hindi naman lahat ng hukom ay mabagal magpasya, subalit hindi rin lahat ng hukom ay wasto ang pagpapasya. AT kapag nakikita ko ang pagmumukha ni justice secretary Raul Gonzales, nawawalan ako ng pag-asa. no offense meant to the justices followers pero nakagawa na siya ng impresyon sa publiko na kapag nakita mo siya sa telebisyon, gugustuhin mo na lang patayin ang TV. pwede kayang pag ini-interview ito ng media eh silhouette effect? parang yung mga menor de edad na nabiktima ng panghahalay...

during el nino times, you can purchase water from some firestations. home service pa. oo, onli in da pilipins. tapos makakasabay mo sa kalye ang mga ambulansyang pilit na lumulusot sa trapik, malakas na umaatungal ang sirena pero kapag sinilip mo ang loob, walang pasyente! this brings me back to the police officers. they counterflow a lot with matching sirens whenever the traffic is heavy on their side of the road. could you tailgate them? of course you could but no one would dare. matitikitan ka na naman. anong violation? reckless driving.

nakakalungkot pero ganito ang eksenang anumang pilit mong takasan ay lagi namang nagpapakita sa iyo sa araw-araw. marami pa akong di nabanggit na kung iisa-isahin ko pa eh mahuhuli na ako sa pagpasok sa opisina.

i personally emphatize with the public servants. in fact, given the chance, i would want to fill-in their shoes and i should know that being a Philippine-public servant is not like walking in a park. hindi biro lang ang paglilingkod na iniaalay nila sa sambayanan at ang sweldo nila ay hindi naman kasing laki ng kinikita ni ginoong Henry Sy sa bawat SM mall na ipinatayo niya.

i'd like to get my message across: we individually can take part in the role played by our public servants. in our littlest way, we can help them not to be tempted in doing the improper thing. it sure is not easy but we should be starting somewhere. nakakalungkot nga lang. sa isang pakikipagpalitan ko ng kuro sa isa ring blogger na si gari, binanggit niya ito:

"pero ang mga tao, nanaisin pang mamatay ng nagnanaknak
at nagnanana kaysa makipagsapalaran sa isang major surgery."

Saturday, August 11, 2007

thoughtful ba talaga ako o ano???

The following entry has been posted
in my PexPlus Private Thread entitled
Jons' ^ HoLY SaNCTuaRY ^
date: October 30, 2002


----------------------------------

I give gifts though there is no certain occasion. basta gusto kong magbigay sa isang tao, bibigyan ko. pero kung ayaw ko, ayaw ko talaga. kahit anong suhol ang gawin sa akin, kung ayoko, ayoko.

nanlilibre ako bigla-bigla. madalas may magbiro "manlibre ka naman..." pero kapit ako sa pera. sabi nga ng mga kaibigan ko, kuripot ako pero galante. ha??? meron bang ganun? basta pag naisipan ko... gusto kong makausap, makakwentuhan at makasama ang isang tao, magyayaya akong kumain. heavy meal or light snack. kahit ano, treat ko. yun ay pag gusto ko. at walang tiyak na panahon kung kailan. bigla na lang dumarating.

sagot ko na pamasahe mo. eto, usually pag ako ang nagyaya at meron akong dudukutin sa bulsa. pero pag ako ang isinama mo, hindi ko naman ine-expect na ibayad mo ako ng pamasahe. pwede na kkb, basta sagot mo ang pagkain.

sampung taon hindi ako nagparamdam sayo tapos, isang madaling araw, bigla kitang ite-text. wala lang. naalala lang kita. yun lang. ganun lang kasimple. marami rin akong nilalagpasan sa phone book ko pag nagti-text ng mga group messages or important messages. naalala ko tuloy...

kagabi (madaling araw na pala kanina), nagtext ako sa walong babae na nasa phone book ko. naalala ko silang bigla. alam ko, ang alas-dos ng madaling araw ay oras na ng mahimbing na pagtulog pero wala akong pakialam. kailangan kong maidaos ang text message ko sa walong babae na ito na nasa listahan ng phone book ko, para sabihing naalala ko sila sa mga sandaling iyon, bago ako matulog.

My text message reads: "hi. gud am. naalala lang kita. yun lang." (kundi man exactly ganun yung message ko, yan ang context nya)

6 out of 8 ang nagreply sa kanila. syempre nagulat ako, although may konting expectation na may sasagotsa kanila kahit isa man lang. yung isa ang nakatext ko nang matagal. aliw syang ka text. kwela. alam ko matalino sya pero ang pagra-rant nya sa hindi pagkakapasa ng thesis nya ay lalong nakapagpaaliw sa akin. hindi sa ayaw ko syang pumasa. gusto ko lang ang attitude nya pagdating sa mga ganung sitwasyon. at nakuha pang makipagbiruan sa kalagitnaan ng madaling araw. yung isang yun ay minsan ko nang nakita at nakapagkape na kami sa Figaro sa Brick Road. Siya rin ang nag-introduce sa akin sa masarap na pasta parlor--- ang A Veneto.

Anong nangyari sa limang nagreply sa text ko? Sinabihan ko silang matulog na kase madaling araw na. At di ko kayang makipag-text sa 6 nang sabay-sabay. kawawa naman ang load ko, kaya, yung isang yun ang tinira kong kausap. besides, mas marami kaming mapag-uusapan.

Isa sa mga dalawang hindi nagreply ang hinihintay kong magreply. buong araw ko yata syang di nakausap kahapon. antagal na rin naming di nagkita. oh well... siguro tulog na sya. kase naman ako eh. madaling araw kung mang-istorbo. eh bakit ba? sa naalala ko siya eh! may pinipili bang oras at pagkakataon kung kelan mo dapat maalala ang isang tao na gusto mong maalala?

Friday, August 10, 2007

oh, TGIF!

i still am not in my tip top shape, and i feel that going to work yesterday, i was just spreading the "virus". i was sneezing all day, and even ate at the pantry with the lights turned off. i was in that "vampire" mode again, afraid of light, red, teary eyes, and having a headache. ahh... sinusitis. i'm always stubborn to refuse taking medication. i always insist that i just need rest to recover. i wanted to put my YM status as "sick and tired" to mean not only physically but also figuratively, but i guessed it wouldn't be a nice idea considering that our office already has put "eyes" on our daily online access.

lunch time, dad dropped by our office to hand the car battery which he gave to ayah's family for free. their car battery needed to be replaced and ayah was so thankful. it was a big gift. :) we had our lunch at red ribbon then went back to office as i continue hoping the office clock speeds up.

after office, i asked ayah that we go home right away as i knew i could give in anytime. i badly needed to rest. at home, i just had to eat a few slices of big guavas while finishing off the 2nd part of the CD of the movie Armaggedon, then called it a day.

Wednesday, August 08, 2007

re-capping today

i just woke up. my computer clock reads 11:18pm. i was early in bed and it's time to take my 2nd dose of paracetamol. all day it was raining very hard. and water flood seems to stay all day so if ever i have to go out, i still need to go around the nearby subdivision and take the exit on a high road. but still, the main roads outside are flooded. in the afternoon, i started sneezing and before completely feeling down, i took a tablet of paracetamol then hit the sack. i hope the weather is NOT like this next year.

- - - - - - - - - - - -

the man and lady marked the day by sealing their companionship through prayer. they both went to the hous of the LORD and offered their thanks and asked for continued guidance. this should be the start of the real thing. afterwich, the man gave a small "token" to the lady, as a symbol of a long-lasting commitment. GOD BLESS both of them.

Tuesday, August 07, 2007

another day

It's another gloomy day. yesterday it was raining cats & dogs and today might be another one of those (heavy) rainy days, predicting from the looks of the sky. Last night, ayah and i were soaked in rainwater after getting off the van from the parking lot of her aunt's place in Wack wack. we had an umbrella each but the strong rain still managed to drench us and left our half bodies feel as if we dipped into a swimming pool. we fetched ayah's brother, jayson, and took our dinner at tita gie's, then head back home. mom was texting me to take care while driving as i might catch the flood in our subdivision. good thing, there wasn't so much water when i drove home and it's always nice to hit the sack during these "cold" times.

Last Saturday, tita gie (with cheena) also accompanied us to Dapitan to look for philippine made handicrafts. the items were nice and cheaper compared to filipiniana stores in malls (but of course) and before going back to tita gie's place, we dropped by this sushi store which sells by the bilao at a very affordable price. i'm really not a sushi enthusiast but nonetheless, upon reaching tita gie's condo, cheena and i started munching on them. last saturday was rather a fine day and looking from the balcony of tita gie's unit (on the 36th floor), you can get a good glimpse of the beautiful view of the nearby San Juan, Mandaluyong area, and even the sea side of Manila Bay, where the sunset is most commonly viewed in the city. then it was the first time i got to see the whole of the nearby golf and country club where "the greens" is dominant.

in another story, i was very irritated with SM Group of Companies. They let their applicants hanging for employment and yet they ask so much of their time just to let them perform multiple tests and exams. and they don't care if they are working and getting out of reasons for filing unwanted leave of absence just to attend to SM's pesky requirements. hey, they are not Bank Of America nor the US Embassy who grants free VISAS. SM has been pooling employees for their new branches that'll open by end of this year and early next year.

on a lighter side of life, a good church buddy jeff has made me a couple of skins for my mobile unit. now i have them in my phone. ain't that cool?

Friday, August 03, 2007

Si Lolo At Si Apo

Minsan nang naitanong ni Apo sa kanyang ina kung bakit sa lahat ng magpipinsan, tila sya ang naging paborito ni Lolo. Kaya buong tiyaga nyang pinakinggan ang kwento ng kanyang ina:

"Ganito yan, anak. Nung araw na ipapanganak na kita, sumama ang Lolo mo sa paghatid sa akin sa ospital. Siya ang tumulong sa ama mo upang madala nila ako doon at habang hinihintay ang takdang oras ng panganganak ko sa 'yo, medyo balisa ang ama mo dahil kapos kami sa pambayad sa ospital. nahalata ito ng lolo mo kaya't pinahayo niya ang ama mo upang makakalap ng pandagdag sa bayarin. Habang nasa daan sya, dinatnan ako ng pananakit ng tiyan, hudyat na anumang minuto ay ilalabas na kita mula sa aking bahay-bata. At dahil nga wala ang ama mo sa tabi ko, ang lolo mo ang sumubaybay sa mga sandaling iyon, nagbantay sa aking tabi at nakasaksi ng una mong pag-iyak dito sa mundo. mula noon ay laging ikaw na ang hinahanap niya pagkagaling sa trabaho at iba pang lakad niya."

Pagkatapos ng kwentong iyon ng kanyang ina, bumalik-tanaw kay Apo ang mga sandaling kasama niya si Lolo. tuwing umuuwi si Lolo sa bahay na tinutuluyan nilang magpipinsan, may dala itong tsokolate para sa lahat. maliit at mumurahing tsokolate para sa mga pinsan, at sa paborito niyang si Apo ay espesyal at malaking tsokolate. Hindi pa ito agad ibibigay ni Lolo sa kanya. ipapasyal nya ito sa kalapit na pook at saka iaabot ang espesyal na tsokolate. Papasyal sila sa malapit na park, at babantayan ni Lolo si Apo sa paglalaro. kapag napagod na ay ibibili niya ito ng palamig sa tindahan at saka sila muling maglalakad pabalik na ng bahay. halos ganun araw-araw. Siya lang ang laging isinasama at naiiwan ang mga pinsan ni Apo sa bahay.

Marahil ay kay Lolo rin nakuha ni Apo ang ilang kaugalian at pagkilos. Marami kasing nagsasabi na kamag-anak ni Apo na nakikita nila sa kanya si Lolo.

Dumating ang sandali ng paghihiwalay ni Lolo at ni Apo. Kailangan nang magpahinga ni Lolo. Sa ilang araw ng kaniyang burol, nagkasakit si Apo--- dengue. kinailangan niyang ma-ospital. pero bago iyon, nakasilay si Apo sa kabaong ni Lolo at bunga marahil ng kaniyang sakit, nakita niya si Lolo na kumilos ang kamay... inayos ang kasuotan. Isinumbong ito agad ni Apo sa kaniyang auntie. Subalit ito ay ipinagpalagay ng mga kamag-anak ni Apo na siya ay namamalik-mata lamang.

Sa ospital ay gumaling na si Apo. Hindi lang sya mailabas dahil kulang pa ang pambayad ng kanyang mga magulang. Tuluyan na bang pinabayaan siya ng kaniyang Lolo? Hindi. Nakalabas si Apo sa ospital nang mabayaran ng buo ang kailangang bayaran. Ang pumuno sa kakulangan--- ang perang nalikom sa burol ng kaniyang Lolo.

Ilang Linggo matapos ang mga pangyayari, may magandang pagkakataon na muling magkita si Lolo at si Apo. hindi malinaw ang lahat, pero sa likuran ni Lolo ay isang malinis at maaliwalas na kapaligiran. mababa ang mga ulap at naroon si Lolo nakangiti sa kanya, habang naka-unat ang mga kamay nito na tinatawag papalapit sa kanya si Apo. Nag-usap sila:

"Halika rito Apo. Samahan mo ako." "saan yan?" "dito lang. papasyal tayo. babalik din tayo." "pero baka magalit si ama at ina. mamaya lang uuwi na si ama galing opisina, hahanapin ako nun." "sandali lang tayo, halika samahan mo si Lolo.." "teka, magpapaalam muna ako kay ina, ha..?"
...at pagkagising ni Apo ay parang totoong nakausap niya si Lolo. Palibhasa'y bata pa, nalimutan na niya iyon sa maghapon.

kinagabihan, nagkita silang muli. Sa pagkakataong ito ay mas masigasig si Lolo na isama si Apo sa kung saan man niya ito nais yayaing pumunta:

"Apo, halika, pasyal tayo." "ha, eh di pa ko nakapagpaalam kay ina." "huwag na, ibabalik din kita agad. di niya malalaman." "eh, hahanapin ako nun. sa'n ba tayo pupunta?" "dito malapit lang, halika.." malapit nang mag-abot ang mga kamay nina Apo at Lolo. Pilit na binabawi ni Apo ang kanyang kamay at nagmakaawa kay Lolo na kung maaari ay makapagpaalam muna siya sa kaniyang ina. Nakita ni Lolo ang mga luha ni Apo. marahil ay natakot na ang bata. Ilang sandali lang, naglaho sa mga ulap si Lolo, at nagising si Apo. Pagkagising niya ay katabi niya ang kaniyang ina at ama. umuungol daw si Apo sa pagkakatulog kaya ginising nila ito. Pagka-kwento ng lahat, natulala ang mag-asawa. Pinayuhan na sa susunod na yayain siya ni Lolo na sumama sa kaniya ay huwag na huwag siyang sasama. Hindi nila sinabi ang dahilan pero sa mga sumunod na gabi ay di na nagpakita si Lolo kay Apo.

Ngayon ay munting ala-ala na lamang ang iniwan ni Lolo kay Apo. Pero ang pagmamahal ni Lolo rito ay kailanman hindi mawawala sa puso ni Apo.

Wednesday, August 01, 2007

*sigh*

first day of August and i had a long day at work and i'm physically & mentally drained. too many things to rant about work and all i had to console myself was the first visit to Tri Noma with my gurL after office. then we pigged out at Sbarro trying out something new (i really don't know if it's new but i'm sure it's new for me) on the menu. i ALWAYS order baked ziti in white sauce in Sbarro but this time, Ayah & i tried to share the delicious (yea, we both liked it) Fish Francese with Spaghetti - Alfredo & Rice with Chicken Vesuvio, partnered with raspberry iced tea & lemonade. too bad, we weren't able to take our dessert, tiramisu cake since we were already very full. :D
anyway, we've been planning to see the talked-about mall in north EDSA which recently opened and having Ayala as its prime architect, it resembles (a bit of) Glorietta mall, especially in its center stage portion. i wasn't very impressed with it, perhaps too much expectation with all the things i've been hearing from people who visited it much earlier, after its opening.

- - - - - - - - - - - -

benj & ederic have been encouraging me to join the bloggers' EB (top ten most influential blogs) which is tonight (earlier, actually) at Makati... somewhere. i'm flattered to be invited on the said occasion by two of my online buddies eventhough i don't really participate on such biggie social gatherings. yes, i tend to get into my shell whenever these kinds of socailizing are held and i get to be choosy with the 'events' i am allowing myself to be in attendance of. people present on the occasion also plays a (slightly) major factor in my decision to go or not to go to a certain gathering but the most acceptable reason why i am not joining these EB's is my preference for a more personal EB with friends. i am not very good at "entertaining" multiple groups at one time. i always prefer good, focused conversation with one or a couple of friends, over cups of coffee. with that, i feel that the time i spend becomes more significant.

oh well, so much for excuses (he he he...)

- - - - - - - - - - - -

another work day tomorrow. boss is out of the country until Friday. i hope that my boo-boo with Philippine Seven will not create a big issue but hey, i'm not running away from my responsibility. and i am willing to face the consequences if the situation calls for it.

(naks, akala mo naman kung ano nang krimen ang nagawa ko. haha!)

just consoling myself before i hit the sack..

good night, world!

Related Posts with Thumbnails